Lumakas ang t***k ng puso niya ng makita ang malagkit na tingin sa kanya ni Andrew na parang sila lang ang tao sa loob ng yate.
Kaya agad niyang binawi ang kamay niya dito.
"Nice meeting you, Mr. Andrew, but I think I need to go.
My aasikasuhin lang ako.
Mr. and Mrs. Navarro, mauna na poh ako."
"Sige , hindi mo man lang ba kikilalanin si Mr. Montifalcon?"
Biglang wika nito.
"Ms. Caroline, ikaw ba yan ? Napakaganda mo naman ngayon. Kanina pa kita tinitingnan , hindi lang ako nakalapit sayo dahil may kinausap ako na mga importanteng tao."
"Mr. Suarez, ikaw pala." Agad nakipagbesobeso ang dalaga sa lalaki na halos ika pula ng mukha ni Andrew. Pakiramdam ng binata ay umuusok ang ilong at tenga niya sa galit.
"Kilala mo pala si Mr. Suarez, Caroline."
"Yes, isa po kasi siya sa mga customer ko sa restaurant at malimit siya magpa-reserve ng table sakin . Isa raw kasi ang restaurant ko sa mga nagustuhan niyang restaurant dito sa Cebu."
"Ahhh, ganoon ba? Isa din nga pala siya sa mga business partner namin ng aking asawa. Right, hon?"
"By the way, pwede ko ba mahiram saglit si Ms. Caroline? Nais ko sana siya makasayaw," pagpapaalam nito sa mag-asawa.
"Hindi pwede ang gusto mo mangyari, Mr. Suarez, dahil si Ms. Olivares ang date ko ngayon gabi ." Seryosong wika ni Andrew kay Mr. Suarez.
Napaawang naman ang labi ng mag-asawang Navarro sa narinig nila mula kay Andrew; maging si Caroline ay nagulat din sa inasta nito.
Mabilis pa sa alas kwatro ng hilahin ni Andrew ang kamay ni Caroline.
Samantalang si Caroline ay halos mag kandaraparapa sa pag hila ni Andrew sa kanya.
Hanggang sa dalhin siya nito sa gitna para maisayaw siya.
Agad nitong hinila ang kamay ni Caroline palapit sa kanya hanggang sa magkadikit ang kanilang katawan, samantalang ang isang kamay ni Andrew ay ipinulupot nito sa baywang ng dalaga na halos ayaw na niyang bitawan. Hinigpitan niya ang pagkakakahawak doon upang hindi makawala si Caroline sa kanyang mga kamay.
Si Caroline naman ay napahawak sa matitigas na dibdib ni Andrew, at agad naman hinawakan ni Andrew ang isang kamay ng dalaga para ilagay sa balikat niya.
Hindi rin naman tumanggi ang dalaga sa gustong mangyari ng binata kaya kusa niyang iginalaw ang isang kamay niya at ipinatong sa balikat nito.
"Ano ginagawa mo dito?" Tanong niya sa binata na ikinangisi naman nito.
"Hindi ka ba nakikinig kanina? Business partner ko sila!"
"Alam ko iyon , pero bakit hinila mo ako dito at sinabi mo magka-date tayo gayong hindi naman talaga! Ano ang ginagawa mo dito ngayon sa tabi ko?"
"Kasi na mis kita!" Diretso wika nito sa dalaga.
Natahimik naman si Caroline sa sinabi iyon ni Andrew.
"Ang totoo niyan matagal na kita hinahanap. Halos tatlong buwan na kita pinahahanap kaso hindi ka nila makita. Iyon naman pala ay narito ka lang sa Cebu at ako pa mismo ang makakakita sayo."
"Bakit mo ba kasi ako pinahahanap?" May konting saya sa puso niya ng malaman niya na pinahahanap siya ng binata pero saglit lang iyon dahil muli siyang nasaktan sa huling sinabi nito.
"Kasi alam ko may mali akong nagawa sayo kaya kita hinanap, gusto kong humingi ng sorry sayo, alam kong nasaktan kita.
Buong akala niya pa naman ay pinahanap siya ni Andrew dahil na-realize nito na mahal siya nito, tapos malalaman niya na nais lang pala nito humingi ng sorry sa kanya .
"Kung alam ko lang noon na narito ka sa Cebu, dito na sana kita pinahanap," dagdag pa nito sa sinabi niya.
"Iyon lang ba? Sige, pinatatawad na kita. Ano, ok na? Pwede na ba ako umalis?"
"Teka! Saan ka pupunta?" Hindi pa tayo tapos mag-usap.
"Pwede ba, Andrew, bitiwan mo nga ako? Kaylangan ko mag banyo dahil ka nina pa ako na iihi."
"Sasamahan kita!"
"Andrew , hindi ako bata para samahan ako! Alam ko ang pagpunta sa banyo kaya bumitaw ka na."
"Akala mo ba makakaalis ka ng hindi mo ako kasama? Sasamahan kita magbanyo. Alam ko hindi mo na ako babalikan kaya samahan na kita!
Napairap na lang si Caroline sa sinabi ni Andrew; pinagsiklop nito ang kamay nila at saka siya hinila papunta sa CR.
Ilang mga cameraman ang dinaanan nila na wala ginawa kundi kuhanan sila ng litrato dalawa.
Pero baliwala lang ito ni Andrew dahil sanay na naman ito doon.
Nakangiti lang si Andrew habang kinukuhanan sila ng litrato, samantalang si Caroline ay hindi malaman kung anong ngiti ang gagawin niya.
Nang makalagpas sila sa mga reporter ay nagtungo na sila sa restroom ng mga babae kaya agad bumitaw si Caroline sa kamay ng binata.
"Ano, hanggang sa pag-ihi ko sasama kapa?"
"Pwede ba?"
Nakangiti, wika nito.
"Andrew, umayos ka nga!"
"Ayos naman ako. Ikaw, ayos ka lang ba?"
"Ayos ako kanina ng dumating dito, pero ng makasama kita na iinis na ako,"
"Sus, na-miss mo lang ako kaya ka ganyan!"
"Ewan ko sayo, bwiset ka!" Inis na tinalikuran ito ni Caroline at nagpasok sa CR.
Hindi tuloy niya malaman kung paano siya tatakas kay Andrew kung ayaw siya lubayan nito.
Kaya ang ginawa niya ay naghintay na lang siya ng 30 minutes sa loob ng restroom at lalabas na lang siya pag nakaalis na ang binata.
Pero dahil sa tagal ni Caroline sa loob ay hindi na makaantay pa ng matagal si Andrew kaya kahit may mga tao sa loob ng restroom ay pinasok na niya ito .
Agad napatingin sa kanya ang mga tao doon hanggang sa makita niya si Caroline sa harap ng salamin na abala sa pagtitipa ng cellphone niya. Hindi agad siya napansin nito dahil sa pagiging abala nito, kaya tumayo na lang siya sa likod ng dalaga .
"Kanina kapa diyan, wala kaba balak kumabas?"
Nagulat si Caroline nang marinig niya ang baritong boses ni Andrew sa kanyang likuran.
"Andrew, ano ginagawa mo dito? Cr ng mga babae ito!"
"Tinubuan na ako ng ugat sa paa kakaantay sayo kaya sinundo na kita dito sa loob."
"Hindi pa ako tapos, iihi pa ako."
"Sige , halika na!"
Nagulat si Caroline nang hilahin siya nito sa isang cubicle at pinapasok siya nito sa loob habang ito ay sumunod sa kanya sa loob ng cubicle.
"Hoy! Andrew, sumosobra kana, lumabas ka nga, hindi ka ba nahihiya? Pinag titinginan tayo ng mga tao."
"E, ano naman, wala naman ako ginagawa masama sayo , sige na, umihi kana!"
"Nababaliw kaba? Paano ako iihi kung na riyan ka? Lumabas ka nga!"
"Ngayon ka pa ba mahihiya, huh? E, nakita ko na naman iyan, hindi ba? Bumuk@k@ ka pa nga sa harap ko noon at sabi mo ay—" Hindi na nito naituloy ang sasabihin niya nang takpan ni Caroline ang bibig niya para mahinto ito sa kadaldalan nito.
"Pwede ba, Andrew, wag ka nga maingay! Gusto mo tadyakan kita diyan!"
Inis na iniwan ni Caroline si Andrew sa loob ng cubicle at diretso lumabas.
Inabutan pa niya ang mag-asawang Navarro doon na kumakain nang lumapit siya dito.
"Halika, Caroline, sumabay ka na sa amin kumain."
"Sige poh,"
Agad naman siyang pinaghila ni Andrew ng upuan nang dumating sila doon.
Si Andrew na ang kumuha ng pagkain nila habang nakangiti ito sa kanila .
"Alam ninyo, bagay kayo," tukso ng mga ito sa kanila na ikapula naman ni Caroline.
Tanging ngiti lang ang sinagot ng dalawa sa mag-asawa hanggang sa magdesisyon si Caroline na umuwi na dahil hindi na siya comfortable kasama si Andrew.
"Uuwi na po ako," paalam niya sa mag-asawa.
"Maaga pa ahh, sigurado ka ba kaya mo umuwi?"
"Opoh, maaga pa naman. Isa pa, pwede naman ako mag-taxi pauwi."
"Wag na kayo mag-alala, ako na po bahala maghatid sa kanya," wika ni Andrew.
"Hindi na, Andrew. Ok lang ako. Mag tataxi na lang ako."
"Hindi na sasamahan kita; may driver ako kaya ako na ang maghahatid sa iyo," seryosong wika nito.
"Sige poh, Mr. and Mrs. Navarro, aalis na kami, paalam ni Andrew sa mag-asawa.
Agad naman hinila ni Andrew si Caroline papasok sa loob ng kotse nito. Sa backseat sila naupo ni Caroline dahil may driver naman sadya na nagmamaneho ng sasakyan.
Tulad kanina ay magkahawak kamay pa rin silang dalawa. Halos mamawis na ang kamay ni Caroline dahil sa higpit ng hawak ni Andrew sa kanya.
"Saan ang bahay mo?"
"Sa hotel mo na lang ako ihatid , maghohotel na lang ako," sagot niya dito dahil ayaw niya ipaalam kay Andrew ang bahay niya dahil ayaw niya na magpabalik-balik ito doon.
"Sige, manong, ayaw niya sabihin kung saan ang bahay niya; sa hotel ko siya dadalhin!"
Nagulat ito sa sinabi ni Andrew kaya inis na binalingan niya ito ng tingin .
"Anong sa hotel mo? Kukuha ako ng room ko!"
"Bakit pa sayang ang pera kaya sa room ko na lang? Malawak ang kama ko, pwede tayo magtabi sa pagtulog."
"Hindi, magbobook ako ng room ko. Sige, magbook ka, sasama na lang ako sa room mo."
"Andrew!"
"Sige na, hatid mo na lang ako sa bahay ko! Inis na wika nito dahil kahit ano gawin niya ay susunod at susunod ito sa kanya.
Napangiti naman ang binata sa sinabi iyon ni Caroline kaya hinatid na niya ito kung saan ito nagpapahatid.
Pagdating doon ay pinagbuksan na niya ng pinto si Caroline ng kotse para makababa na ito ng tuluyan.
"Pwede ka nang umalis."
Wika ni Caroline kay Andrew .
Ngumiti lang si Andrew kay Caroline at tinawagan ang driver nito.
"Manong, paki baba ng maleta ko," wika nito sa driver niya.
Agad naman sumunod ito sa kanya at bitbit nito ang isang maleta dala niya.
Nagulat naman si Caroline nang makita ang maleta na dala ng driver .
"Ano yan? Bakit may maleta ka?"
"Balak ko pa lang humanap ng hotel na tutulugan ko pagkatapos ng party ng mga Navarro, at dahil may bahay ka naman pala dito, sa iyo na lang ako titigil."
"Anong sabi mo? Teka, hindi ka pwede dito! Nakikitira lang ako dito."
"Edi , babayad na lang ako ng upa tutal, sayang din pag ipapang hotel ko pa!"
"Sige , na manong, ipasok mo na sa loob."
Nauna nang pumasok sa loob ang driver habang kasunod naman nito si Andrew.
Samantalang si Caroline naman ay inis na napahiyaw sa galit kay Andrew.
"ANDREW ! HINDI KANA NAKAKATUWA! AHHHH ,"