Nagpagewang-gewang siya sa kalsada para hindi siya tamaan ni Patrick. Halos mangilabot naman si Carol dahil sa lakas ng putok na pinakawalan ni Patrick, at dahil doon ay natakot siya para sa kaligtasan ng asawa. Kaya pinilit niya makakilos at nakipag-agawan sa manibela kay Patrick. "Wag! Mababangga tayo, gusto mo ba mamatay!" "Mas mabuting mamatay kesa pag samantalahan mo ako at mamatay ako ng paulit-ulit sa kamay mo!" Umiiyak na wika ni Carol. Dahil sa ginagawa ni Carol ay nagpagewang-gewang ang sasakyan nila kaya pilit ni Andrew na habulin pa rin ito at magpaputok. Agad siyang nakaramdam ng pangamba para sa asawa niya, takot na ngayon lang niya naramdaman . Pero dahil inis na si Patrick ay muli niya hinawakan si Carol at hinampas ang ulo nito sa harapan ng kotse. Agad nakaramdam

