Wait , I will cover your eyes first." "Why?" "It's a surprise dinner, kaya dapat takpan ko muna ang mata mo." "Paano kung madapa ako?" "Nandito naman ako para alalayan ka kaya wag kang matakot." Napangiti naman siya sa ka-sweetan ng asawa niya kaya pumayag narin siya sa nais nito. Kinuha ni Andrew ang puting panyo mula sa kanyang short at saka tinakip sa mata nito at saka siya nito inalalayan pumunta sa tabing dagat kung saan nakahanda ang dinner nila. Pagdating doon ay dahan-dahang tinanggal ni Andrew ang panyo na nakatakip sa mata nito at halos magulat si Caroline ng makita ang surprised ni Andrew sa kanya. May nakalatag na tela sa buhangin habang sa paligid nito ay may mga unan na may ibat ibang kulay . May nakasindi ring bonfire sa harap nito habang naka lagay ang ibat ibang k

