"HAHAHAHAHA diba s'ya yun?"
"Oo bessy, s'ya nga yung umeepal sa crush mo"
"Eww, do you think magugustuhan ka n'ya?"
"HAHAHAHA asa ka lang na magugustuhan ka n'ya"
Tinulak ako nito sabay binuhusan ng tubig.
Ito yung part na pinakaayaw ko, napaka unlucky ko pag dating dito sa ganitong paaralan.
Walang interesado sakin..
But, One day..
Parang lahat nag bago....
when i met this guy
Lahat nag bago..
Nag bago ako dahil sakaniya.
- - - - - - - - - - - -♤- - - - - - - - - - - -
Ang sakit sa part na hinuhusgahan nila ako. Hindi ba sila nag sasawang ganun-ganunin ako?
Sabagay, sa itsura kong to? may mga tao bang magiging interesadong makipag kaibigan sakin.
Wala? wala diba?
Ang unfair, sana ganun na lang din ako kaganda.
"Yanna!"Sigaw ni Mama kaya agad ako napatayo.
"Bakit po Ma?"Tanong ko sa Mama ko.
"Anong oras na Yanna? hindi ka pa nakakapag luto!?"
Nako! Oo nga pala mag luluto pa pala ako, hindi kasi marunong mag luto si Mama kaya lagi ako yung nag luluto ng kakainin namin.
"Ay sige po Ma, mag hahanda na rin naman po ako para pumasok"
"Dalian mo d'yan ha!?"
"Opo Mama"
Wala kasi Ate ko, nasa bahay s'ya ng jowa n'ya. Kaya ako lagi nag luluto dito sa bahay namin.
I'm Yanna Ivory Martinez, I'm 17 years old and Yes, Senior high na ko. Sana pag pasok ko wala nang manghuhusga sakin.
Binuksan ko Cabinet ko para kunin uniporme ko, para pag tapos ko maligo mag aayos na lang ako at handa na lahat.
Kinuha ko na 'to at inilapag sa ibabaw ng kama ko, kinuha ko na rin towel ko para pag naluto ko na ang ulam daretso ligo na ko.
Sinara ko na 'to at nag lakad na ko palabas ng kwarto ko.
"Mama, Adobong Manok po ba?"
"Oo Anak"
Favorite ni Mama ang Adobong Manok, pero hindi araw-araw inuulam namin ni Mama yun.
"Binabad ko na sa Toyo ang Manok anak, para ready to cook na "
"Ah, sige po Mama salamat po"
Ang una ko kasing ginagawa pag mag aadobo, inilalagay ko sa isang lalagyanan ang manok at nilalagyan ko ng Toyo parang marinated chicken lang s'ya.
Kinuha ko ang bawang para hiwa-hiwain ko ng maliliit ito. hiniwa-hiwa ko na 'to at inilagay ko sa plato ang hiwa-hiwa na bawang.
Kinuha ko ang paminta at ang Asukal sumunod ang Suka at Toyo.
Fast Forward
Tapos na ko mag luto ng Adobong manok tapos na rin ako mag saing ng kanin at nakapaglagay na ko ng pinggan sa mesa.
Pumunta na ko ng Cr para maligo na.
Fast Forward
Tapos na ko maligo at tapos na rin ako mag bihis.