Isang araw akong hindi pumasok dahil sa nangyari at pinilit kong magkulong sa k'warto para mag-isip. Wala rin naman akong natanggap na tawag galing sa opisina nang araw na iyon kaya medyo naging panatag ako sa pag-absent ko. Ngayong araw naman ay pinilit ko na lang ang sarili kong bumangon para makapasok na sa trabaho. Baka kung ano pa ang masabi ng magaling kong boss kung patuloy akong a-absent. Nakakatawa lang na pati ang panahon ay nakikisama sa mabigat kong pakiramdam. Pagkalabas ko pa lang ng bahay ay makulimlim ang kalangitan kaya pakiramdam ko ay dinadamayan ako nito sa kung anong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako nagkakaganito, siguro dahil masakit talaga ang sinabi ng lalaking iyon. PAGKARATING ko sa opisina ay wala akong pinansin kahit sila Man

