"Sa sahig ka matutulog." "What?" "Maliit ang kama para sayo," ani ko habang nasa kama ang paningin. "Kasya ako d'yan… humiga na kami ng anak natin d'yan kanina." "M-malikot ako matulog," Nag-iwas ako sa kaniya ng tingin. Mahina siyang natawa at mas lumapit pa sa akin dahil para umatras ako ng kaunti. "Sa tingin mo maniniwala ako? May anak na tayo at ilang beses na kitang nakasama sa pagtulog alam ko ang itsura at kung paano ka matulog. Kabisado ko ang lahat sa'yo." "Si Bullet pala ang malikot matulog." "Hm… well ano naman? Kahit malikot siya walang kaso sa akin. Basta katabi ko kayo… baka nga pwede pa tayo gumawa ng bagong anak d'yan habang tulog siya." Pabulong na aniya sa huli. Namula ako roon at hinampas siya ng malakas. "Umayos ka nga! Kung ayaw mong mapalayas kita rito!"

