Watching Belle and her friends is the most horrible view that I've ever watched! Why? Dahil palagi silang nagpaparinig sa akin! Tapos lilingunin pa ako! Nakakarindi at nakakainit ng ulo!
I want to slap them one by one but if I will react means I am guilty pero hindi ako tanga para hindi makuha kung sinong pinariringan nila!
"Naku! Mga ganyang tao? Wala yang utang na loob"
"Binigyan ka na nga mga kailangan mong gamitin para sa dorm mo pero ganyan ang ginawa sayo?"
"Ako sayo Belle, umalis ka na doon sa dorm mo!"
"Naku, okay lang yon! Ano ka ba at nakakaawa kasi"
"Ang bait mo naman!"
I sigh heavily!
I don't care about what they are saying! Huwag lang talaga nilang akong sagarin dahil papatulan ko talaga sila kahit gaano ka immature ang mga kalokohan nila!
"Attention everyone! Attendance na lang daw tayo ngayon! Tapos next meeting oral quizz! Kaya study! Study! Study!"
Agad namang nagsitayuan ang lahat, and Belle's circle look at my way at inirapan ako. I shook my head in disspaontment.
"Parang mga bata" I mumbled.
How old are they? Sa pagkakaalam ko ang mga ganyang ugali ay pang high school lang, bakit ang mga yon immature pa rin ang mga ugali? Kulang ba sila ng aruga ng mga magulang nila?
Pero how come hindi ako ganyan? Kulang na kulang ang aruga ng mga magulang ko sa akin pero hindi ako ganyan!
Baka napasukan ng mga hangin ang utak nila dahil walang laman kaya ganyan ngayon ang behavior.
Pinatapos ko muna lahat ng mga kaklase ko bago ako nag attendance! Ayokong makisalamuha sa kanila! Nakaka drained ng energy! Nakakapagod.
To Clyde:
Sa dorm lang ako. Study well
I texted him since may klase sya ngayon at ako naman mamayang hapon pa ang susunod kaya might as well magsimula ng mag aral ngayon dahil sure ako na may madadagdag na naman mamaya.
I lazily sat on my chair at binuklat ang libro ko at kinuha ng papel at ballpen para mag take down notes pero habang ginagawa ko yon, Belle phone rang.
Irita kong kinuha ang phone nya pero agad napalitan ng kunot ng noo nang nakita ang pangalan ni De Lara.
I swallowed hard at kumalabog ang puso ko sa kaba.
What the hell is happening?
Nakatitig lang ang sa cellphone, hinahayaang mag ring ang phone pero para na akong mahihimatay sa nararamdaman ko at dahil titig na titig ako sa phone, I notice na iba ang numero na Naka lagay.
I immediately get my phone and compare the number of De Lara to the caller.
"s**t! Hindi sana to totoo" nanginginig kong sabi.
I copy the number at agad kumaripas ng takbo papunta sa department ng comsci!
I don't know what I am feeling, nakakagalit, na ang sakit sakit na para akong mahihilo at mahihimatay na iwan! I don't know what to feel but I need to confirm it first.
Pumwesto ako sa pangalawang pintuan ng classroom nina De Lara since hindi nila ako makikita rito dahil nakatalikod sila.
Naiiyak kong tinignan si De Lara! Para na kasing sasabog ang puso ko dahil sa aking nararamdaman.
Tinawagan ko ang numero pero hindi nya ito sinagot, nakatotok lang sya sa harap so I texted it.
From Clyde D:):
Whose this?... Belle mahal?
I blink at tumingin kay De Lara na hindi manlang yumuko o nag tipa ng phone kaya nanginginig kong tinawagan ang phone, nag ring ito at napatalon pa ako nang sinagot ito.
"Hello?" I answered while looking De Lara na wala man lang ginawa kung hindi nakikinig lang sa lesson nila.
Tumulo ang luha ko kasabay ng pagkawala sa tinik na nakaturok sa puso ko but to make sure na hindi talaga sya ang timawag sa phone ni Belle, I call him with his number.
Kitang-kita ko kung paano nya kinuha ang phone nya at nagtaas ng kamay.
"Sir can I go out? Sagutin ko lang po sana ang tawag"
"Si Rosario na naman yan ano?" Naghiyawan sila.
Sunod-sunod tumulo ang luha ako at napahawak sa aking puso dahil sa relief na naramdaman.
"Sige na! Sige na! Sagutin mo na yan baka may liliban sa klase ko dahil inaway ng girlfriend"
Agad akong tumakbo pababa at nagtungo sa likod ng dorm namin at iniyak ang nararamdaman ko.
Akala ko talaga na niloko nya ako, pinagpalit ako kay Belle, ang sakit-sakit talaga ng naramdaman ko kanina, sya lang kasi ang meron ako, sya lang ang nagmahal sa akin at minahal ko. Hindi ko kakayanin kapag mawala sya sa akin.
I cried so hard to the point na sumakit na ang ulo ko at parang nauubos na ang luha ko. Never akong umiyak ng ganito, pero sa takot na akala ko niloko ako ni De Lara, I cried so hard.
"Miss, excuse me..." I immediately wipe my tears.
"Ah, I'm sorry...Yes?" Paos ko pa ring sabi at hindi makatingin sa nag approach sa akin.
"Ughmmm...Are you okay?" Nag-aalinlangan nyang sabi.
"Ugh, yes, yes. No need to worry"
"Ughmm...Ano kasi, hindi sana ako makikialam pero...Naawa na kasi ako sayo"
"Huh?" Taka kong sabi at nilingon ko sya.
She smile at me at umupo kagaya ko sa damuhan.
"Babaliwalain ko na talaga sana eh pero hindi kaya ng konsensya ko, nag cut pa ako ng class" nakangiti nyang sabi.
"What is it?" Naguguluhan kong sabi.
"Boyfriend mo si De Lara tama? Yong basketball captain?" Naguguluhan akong tumango.
"Crush ko yon" napangiwi ako sa sanabi.
Putcha! Iniyakan ko nga dahil akala ko pinalitan ako tapos nalaman ko na naman na may magkakagusto sa kanya!
Sana doon na lang sila nag confess kay De Lara! Sinasampal lang nila ako na ang pangit ko eh tapos ang gaganda ng mga nagkakagusto sa kanya!
"Humahanga lang talaga ako pero...ayoko namang maghiwalay kayo"
"Please get straight to the point, I am tired" mahina kong sabi.
"Sorry, sorry!" Nataranta nyang sabi. I nod.
"Okay lang"
"Nalaman mong may babae kuno si De Lara sa phone ng Room mate mo tama?"
Kumunot ang no-o ko at tumingin sa kanya na nagtataka dahil paano nya nalaman?
"Narinig ko kasi doon sa room mate mo at sa mga kaibigan nya na tuturuan ka ng lesson...hindi sana ako makikinig pero narinig ko ang pangalan ng crush ko kaya ayon nakinig ako"
I just stared at her, naghihintay sa kanyang sasabihin.
"Yong parang maarte na spoiled brat, sabi nya. Naka set up na lahat sa dorm namin, nandoon na ang phone ko tapos naka phone book na tong bago kong phone"
"Tapos?" Hindi na makapaghintay ng sabi dahil alam na alam ko na kung anong nangyayari.
But I need to control myself! Gusto ko pang makinig sa lahat ng storya.
"Ayon tinawagan nila tapos nakita ka namin na tumatakbo tapos sila, nagtatawanan, babaliwalain ko na sana nang nakita kitang nagmamadaling bumaba sa hagdanan ng comsci department then natagpuan kota dito"
I sigh infrastration! Those b***h!
"Kaya huwag ka nang umiyak, Hindi ka lolokohin ni De Lara. Kahit crush ko yon pero ayoko ring maghiwalay kayo ano! Kumbaga para kayong celebrity love team na gustong-gusto kong mapakasal sa-"
"Nakita mo ba kung nasaan yong mga babaeng narinig mo?"
"Ah ano! Nakita ko kani-kani lang na sumisilip yon sayo dito, nakasunod kasi ako sa kanila kaya nong umalis, nilapitan kita"
Napakuyom ako sa kamao ko dahil sa galit na nararamdaman!
They play with my feelings! Kung tanga pa ako, hiniwalayan ko na agad si De Lara or inaway ko na yong taong wala namang kamuang-muang!
"Gurl, mag hunosdili ka, alam mo naman ang patakaran dito sa school. Kapag nagkabad record ka, ma e-evict ka rito sa school, first year college ka pa lang"
I look at her with rage, tinuro nya ang uniform nya na may logo ng school at kung anong level na sya.
"Senior ako rito, I've seen a lot already at yang naranasan mo, wala pa yan kaya hayaan mo na yon...Papayag ka ba na mapatalsik dito dahil lang sa kanila?"
I sigh heavily at pinakalma ang sarili. She's right but I want to avenge my feelings! But I don't want to risk my education!
Kapag napatalsik ako rito, wala na akong ibang mapupuntahan. Hindi ako pweding umuwi sa bahay dahil sure akong ikamamatay ko yon!
"You know what, the best revenge to them, Show them na walang epekto ang pinagagawa nila sayo" aniya at ngumiti. Tumango na lang ako.
"I don't know what's with them. Gusto lang naman ni Belle si De Lara but why they keep on pestering me?" I thinking out loud.
"Hmmm, maybe gusto ka nyang palitan bilang girlfriend dahil ako, aaminin ko na gusto ko boyfriend mo pero mas kinikilig ako kapag magkasama kayo"
I sigh.
"Hindi ko rin naman kayo masisi, he's perfect, every girls dream kaya naiintindihan kong marami kayong nagkagusto sa kanya pero sana huwag naman nila akong ginaganito" pagod ko talagang sabi.
Sa totoo lang, pagod na pagod na ako sa buhay ko, puro na lang sakit, puro na lang kadiliman. Nakakita nga ako ng saya pero ang dami namang kumokuntra! Nakakapagod!
"Don't worry! Eh r-report natin yan! Ano?...tara?" Biglang sigla nyang sabi.
I look at her cause I don't trust her, ayokong sumama sa kanya dahil nadala ako kay Belle, ayokong makipag kaibigan ulit tapos ako rin naman ang mag s-suffer sa huli.
"Ah! Ako nga pala si Vanisa Kate! Don't worry! Hindi ako nangangagat at hindi rin ako nangaagaw boyfriend pero! Mag c-crush sa boyfriend mo...okay lang ba yon?"
I sigh heavily and stood up. Ayoko na talagang magkipagkaibigan kanino man, dalang-dala na talaga ako kay Belle. Kahit mag tiwala hindi ko nga magawa, ang hirap na.
"Thank you for the information but I can handle myself" seryoso kong sabi.
"Huh?...I mean!...Ughmmm, ano ba to!" Naguguluhan nyang sabi at kumamot sa pa buhok nya.
"Sorry ah! Sige...pagpasensyahan mo na ako at tyaka! Mahal ka nong boyfriend mo" aniya. I nod at lumisan doon.
I can't believe what's happening right now! Hindi ko maisip na nakaisip nang ganong idea si Belle! And I never thought na hinayaan ko ang sarili kong maging tanga!
I know De Lara loves me so much! Alam nya na nag-away kami ni Belle, alam nyang may gusto si Belle sa kanya at alam nya ang mga pinagagawa sa akin ng babaeng yon and yet! Kinagat ko ang kalokohan ni Belle.
"Babe!" Umangat ang tingin ko at nakita si De Lara na nakasandal sa dingding nang aming dorm.
He frowned and looked at me intently! Siguro nahalata nya ang namumugto kong mata! I swallowed hard.
"Are you okay? Umiyak ka?...bakit?" Nag-aalala nyang tanong para namang may humaplos sa puso ko at pumutak ulit ang luha ko.
Shit! I should stop crying! Nagmumukha na akong tanga but! Ang sarap lang sa pakiramdam na mahal nya talaga ako, hindi nya talaga ako lukohin..
"Mahal na mahal kita" umiiyak kong sabi at niyakap sya ng mahigpit.