Nakaka-disppoint, nakakaguilty! Hindi ko alam na may problema pala sya! Ni isang beses hindi ko sya kinumusta, hindi ko sya tinanong kung anong problema nya! Ano bang ginawa ko kapag magkasama kami? Makinig lang kung anong nangyari sa training nya, kung anong nangyari sa klase nya! Kung saan kami kakain, so stupid! Kung hindi ko pa narinig yon kanina, hindi ako makakapag-isip na ang laki-laki pala ng pagkukulang ko sa kanya! "Hey, ang tahimik mo?" "Ugh...nga pala? May klase ka mamaya diba?" Ang sarap sapukin ng ulo ko! Ang stupid magtanong! Alam naman nya na alam ko yon! "Yup! Ikaw? May klase ka rin mamaya diba?" I nod kaya tumawa si De Lara kaya kunot noo ko syang tinignan. "What's up with you babe? Bakit lutang ka ngayon?...don't tell me nagpuyat ka kaka-aral kagabi?" Natatawa

