Nang makarating na sila sa Maynila, naghiwa-hiwalay na silang magkakaibigan. Charmel couldn't help but notice how alone she and Brent were. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang kinakabahan, tila yata unang beses niyang naramdaman ang ganitong adrenaline. It wasn't good. Kailangan pa naman niyang ikalma ang sarili niya para sa kanyang gaganaping audition. If she didn't make it again, then she was fast running out of dance sport companies and productions to approach. Paano na lang kung hindi na talaga siya makakakita ng totoong trabaho? Magiging pole dancer na lang ba siya sa isang bar forever? Hindi! Hindi siya makakapayag no'n. She needed to focus on herself - just herself - no messy emotional entanglements, no betrayal, no disappointment. Just her and the stage. Ipinikit

