AKALA siguro ng lalaking yun hindi niya kayang magalit dito! Duh.. Bahala siya sa buhay niya! Maliit na bagay ikakagalit. Kinakausap ng maayos puro okay ang isasagot. Siya pa talaga ang nagsabing kapag may problema pag-usapan nila agad! Akala pa naman niya understanding at matured mag-isip ang mokong, hindi pala! Sa sobrang inis kinuha ni Savannah ang cellphone para awayin at itext si Noah. Nakapagtype na siya ng nobela at isesend na sana sa lalaki nang maagaw ang pansin niya ng naka-awang na pintuan ng silid ni Sandra. Nakauwi na kaya yun? Tanong niya sa isipan. Nang maalala ang nakita sa parking lot, natukso siyang sumilip sa kwarto ng kapatid. Luminga-linga si Savannah si paligid, ibinalik ang hawak na cellphone sa bag tsaka dahan-dahang lumapit sa naka-awang na pintuan. Pag-silip n

