PAGPASOK nila sa apartment ni Noah, ilang beses siyang tinanong ng lalaki kung nasaan ang kotse niya. Nag-convoy pa kasi nung umaga papunta sa university. "H-ha? Diba pinukuha ko na sa driver namin para sa kotse mo na ako sasabay. Ayaw mo ba?" Aniya habang inaayos sa lamesa ang mga tinake-out nilang pagkain sa isang fast-food chain. Nagdadalawang isip siya na sabihin ang totoo kay Noah. Ayaw niya isipin nitong ito ang naging kapalit ng sasakyan niya. Ayaw niyang pagdudahan nito ang tunay na pagmamahal niya para dito. Na isa umikot lang ang lahat sa isang pustahan. "Of course not. Alam mo namang gusto ko talagang ako ang naghahatid sundo sa'yo. Nagtataka lang ako," sagot nitong yumakap mula sa likuran niya. "Bakit ka naman nagtataka?" "Parang nakita ko yung dalawang kaibigan mo na n

