DINIG ni Savannah ang nagtatalong mga boses ng magulang habang papaakyat sa ikalawang palapag ng mansyon. Kauuwi lang ni Savannah galing sa not-so-good-vacation. Hinatid siya ni Noah. Hindi na niya pinapasok ang lalaki dahil alam na niya ang maaring mangyari. "Why didn't you inform me about our share with the Villegas?!" "Hindi naman kailangan ang presensya mo doon, Sonya! Stop making things complicated! It's done!" Hinampas ng amang si Alfonse ang kamay sa lamesang kahoy, galit na galit sa pakikipag-argumento sa asawang si Sonya na prenteng nakaupo sa leatherette sofa, nakadekwatro at halukipkip. Sumulyap si Sonya nang mapansin si Savannah na dumadaan. Tinaasan ng kilay ang anak. Hindi pinansin ang mga pasa sa mukha. Ibinagsak pang pasarado ang pintuan. Well, hindi na bago kay Sa

