KANINA pa simpleng pasulyap-sulyap si Noah sa wrist watch niya. Napilitan lang kasi siyang sumama kay Francine sa party na 'to. Pagkaalis ni Savannah saktong dumating ang babae at hindi siya makatanggi kahit gusto na niyang magpahinga. Maghapon siyang na-torture sa paglalaba ni Savannah sa mga damit niya. Sino ba namang hindi? Nanghiram ito ng tshirt sa kanya bago magsimulang maglaba dahil mababasa raw ang damit nito. Saktong pagsilip niya sa laundry area nagsasampay ang babae. Sa tuwing i-ha-hanger nito ang mga damit sa sampayan, tumataas ang suot nitong tshirt at kitang-kita niya ang red laced panty nito. Para siyang gagong pabalik-balik na hindi mapakali at magtatago tuwing mapapalingon sa direksyon na kinaroroonan niya si Savannah. Ilang beses ba siyang na demonyo na sunggaban si Sav

