ALAS-SAIS nang balikan siya ni Noah sa bahay, nag-palit lang sila ng 80's outfit para sa themed ng home coming. Simple lang ang napiling isuot ni Savannah. Ayaw naman niyang magmukhang si Madonna or si Cyndi lauper. She's wearing a floral puff sleeve dress na kulay black at vintage mid heel shoes. Hinayaan lang din niyang nakalugay ang mahabang buhok na nilagyan ng hair spray para magka-volume atsaka nag apply ng light make up. "Ang ganda naman ng alaga ko. Naku! Baka hindi ka na ibalik dito ng nobyo mo," Nakangiting sabi ni Nanay Sela habang pinagmamasdan siya sa salamin. "Si Nanay talaga..." ani Savannah pagkatapos isinubit ang maliit na brown leather cross body bag na bagay sa outfit niya. "Alam mo naman mga kabataan ngayon! hindi pa nga ikinakasal ay nauuna nang gumawa ng kababalgh

