Chapter 2

1081 Words
Eternity) Nagdadabog ako nang makarating na ako sa room ko. Tulog na sina Mommy at Daddy kaya hindi ko na sila naabutan pa. Dali-dali akong nagshower para maibsan ang init ng ulo ko, at huwag ng isipin pa ang nangyari kanina. Sa t'wing naalala ko ang ginawa ng lalakeng iyon, parang gusto kong sumigaw! Nakakainis! How dare he! -- (Gomer) Nasa mini bar ako ng bahay ko at nagsalok ng maiinom. Hindi ako makatulog kaya baka makatulong ito para dalawin ako ng antok. Umupo ako sa sala at nanood muna sa telebisyon. Hindi sa pinapanood ko ang atensyon ko, kundi sa nangyari kanina at sa nalaman ko. Pinaikot-ikot ko ang baso na may lamang alak habang lumilipad pa rin sa kung saan ang isipan ko. Sana nga lang mali ako sa nalaman ko at nakita kanina. Nang maubos ko na ang alak ay umakyat na ako sa kwaro ko at kaagad na naghubad sabay pasok sa shower room para maligo. Tangging lagaslas lang ng tubig na dumadaloy sa shower ang ingay na naririnig ko. Matapos akong maligo ay kaagad kong ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. Tanging boxer lang ang suot ko. Nakatulog akong ang mukha ng babaeng iyon ang huling nasa isipan. -- (Eternity) Dahil sa nakainom ako, kaagad kong binagsak ang katawan ko sa kama. Ngunit ang katawan ko lang yata ang gustong matulog, hindi ang isip ko na kanina pa galit sa nangyari. Iyon ang kauna-unahang napahiya ako. Sa kaiisip ko, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Kinabukasan ay tanghali na nang magising ako. Masaskit ang ulo ko dala na rin siguro ng alak kagabi. Bumangon ako at naghilamos para bumababa. Alam kong hindi ako ginigising nina Mommy at Daddy kapag wala akong lakad. Pagkatapos kong mag-ayos ng saril ay bumababa na ako. Nadatnan ko si Mommy na nasa hardin, nag-aayos ng kanyang mga halaman. Nilapitan ko siyang at binati, "Good morning, Mom." "Good morning too, Hija. Gising ka na pala. Alam kong gutom ka na. Nakahanda na ang beakfast mo," sabi ni Mommy. "Thank you, Mom," sagot ko at inamoy-amoy ang bulaklak na nasa harapan ko. Gustong-gusto ko ang mga bulaklak, kaya kapag naboboring ako ay lagi akong narito sa garden namin, naglilibot-libot at tinitingnan ang mga halaman na naririto. -- (Gomer) "Sir, nandito na lahat ang inutos mo sa akin," sabi ng isa sa mga tauhan ko. Inabot ko naman ang folder na binigay niya. Binuksan ko ito kaagad at isa-isang binasa ang mga laman nito. "Salamat. Basta ipagpatuloy mo pa rin ang pagbabantay sa pamilya nito at kumpanya. Balitaan mo ako kaagad kung ano ang mangyayari," utos ko sa kanya. "Masusunod po, Sir," sagot niya naman. "Sige, may meeting ba ako ngayon?" tanong ko. "Meron, Sir, pero mamayang hapon pa," kaagad niya namang sagot. "Okay, sige makakaalis ka na," ani ko at nagpaalam na rin siya. Napatitig ulit si ako sa mga papeles na nasa harapan ko at binasa ko ulit ang mga ito. -- (Gomer) "Sir, anong plano mo kapag tuluyan nang bumagsak ang kumpanya nila?" tanong ni Jake sa akin. "Sabihin mo kaagad sa akin kapag nangyari ang bagay na iyan," sagot ko naman. "Iyan na nga po ang ginawa ko, alam kong maraming nahihintay sa pagbagsak nito," sabi naman ni Jake. "Alam ko, kaya dapat nakabantay tayo." "Balita ko, napakaimportante sa pamilyang ito ang kanilang kumpanya," dagdag pa ni Jake. "Kaya patuloy pa rin ito dahil, ayaw pa bumitaw ng may-ari nito," sagot ko naman. "Lumapit na rin daw ito sa mga kakilala niya at mga kaibigan niya, ngunit wala ni isang tumulong or nagpautang sa kanila," dagdag pa ni Jake. "Good, kung ganoon," tipid kong sagot. "Bata pa ang nga-iisang anak nila, at katatapos lamang sa pag-aaral. Balita ko pa ay sanay sa luho iyon, at binibigay ng mga magulang nito ang lahat ng kanyang gusto," wika ni Jake. Napangiti ako nang tipid sa mga nalaman ko. Alam ko na ang gagawin kapag tuluyan nang bumagsak ang negosyo na iyon. -- (Eternity) Nasa ibang bansa ako. Habang nasa bakasyon ako, sinulit ko na ang paglilibot ko sa iba't ibang bansa. Noon pa man ay plano ko na talagang libutin muna ang mga bansang gusto kong puntahan bago ako magtrabaho sa kumpanya namin. Habang nagpapahinga ako ay iniisip ko kung anong lugar na naman ang isusunod kong puntahan. Nasa Spain kasi ako ngayon. -- (Eternity) Isang ring ng telepono ang nagpabalikwas sa akin. Nang makita ko ang numero ay kaagad ko itong sinagot. "Hello?" "Ma'am, huwag kayong mabibigla sa sasabihin ko." Boses ng secretary ni Daddy ang narinig ko sa kabilang linya. "Ano iyon? Sabihin mo na," kinakabahan kong tanong. "Ma'am, ang Daddy po ninyo ay sinugod sa hospital at malubha ang kalagayan niya. Hindi po namin makausap ang nang maayos ang mommy ninyo." Bakas sa boses nito ang lungkot. "Ano!" Bigla kong nabitiwan ang cellphone ko dahil sa narinig. Hindi ako makapaniwala sa narinig mula sa katiwala ni Daddy . Kaagad akong nag-empake ng mga gamit ko, at tumawag ako sa reception na mag-che-check-out na ako. Nang matapos na ako sa pag-aayos ng mga gamit ko ay kaagad na akong bumaba para makarating ako kaagad sa airport. Pagdating ko roon ay nagtanong ako kung may byahe ba papuntang Pilipinas sa araw na iyon, at kung may avialable pa na upuan. Kahit economy lang basta makauwi lang ako sa araw na ito bago pa mahuli ang lahat. Pasalamat na lang ako dahil may flight at may avialable pang upuan. Maghihintay nga lang ako ng tatlong oras bago ang kanilang flight. Hindi na ako mapakali, kung ano talaga ang dahilan ng pagka-hospital ni Daddy. Ayaw sabihin sa akin ng katiwala niya, hangga't hindi ako nakakaharap nito. -- (Gomer) "Sir, masamang balita. Tuluyan nang bumagsak ang mga business ng mga Veox. Hindi kinaya ng matanda ang nangyari at sinugod ito sa hospital at ayon sa nakausap ko ay masama ang lagay ng matanda," ani Jake sa akin. "Good. Ihanda mo na ang lahat ng mga sinabi ko," utos ni ko sa kanya. "Sige, Sir, gagawin ko," sagot niya naman kaagad sa akin. "Anong balita sa kanyang anak?" pahabol ko pang tanong. "Wala ito ngayon sa bansa, nasa ibang bansa raw ito at pauwi na ngayon. Iyan ang sabi sa isa sa mga tauhan nila kanina," sagot niya. "Okay, makakaalis ka na," utos ko at tumalikod na nga si Jake. Nagsalin ako nang mamahaling alak si sabay lagok dito. Napangiti ako nang pilit sa nalaman. Parang umaayon sa akin ang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD