Matapos ang maganang pagkain ay halos hindi siya makatayo dahil sa sobrang busog. Niligpit niya ang pinagkainan at dinala sa lababo. Huhugasan na sana niya ito nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na naiwan niya sa sala.... Dali-dali niya itong pinuntahan, ang ninong niya ang tumatawag.
"Hello Dad?"
"Nagising ko ba ang anak ko?"
"Hindi naman po, kakatapos ko lang po kumain"
"It's late na ah...., anyway kamusta ka jan hija?"
"Mabuti naman po... Namasyal po kami kanina sa headquarters ninyo".
"Good... Stay foot ka lang muna jan anak, were just fixing something here. Na miss mo na ba kami ng mom mo?"
"Of course dad..."
"Nagpapakabait ka ba sa bodyguard mo?"
"Oo naman..." she smiled.
" Baka naman nagbabait-baitan ka lang dahil may niluluto ka na namang kalokohan ah"
"Dad! Wala po... matulog na nga kayo jan. Nakakatanda ang pag pupuyat... Bye! Labyuuuuu!!!!
Hindi na niya hinintay pa na sumagot ang Daddy niya at pinatay na ang tawag.
Nilapag niya ulit ang cellphone at bumalik sa kusina. Naabutan niya si Marco na hinuhugasan ang pinagkainan niya.
"What are you doing?" taas kilay na tanong niya rito.
"Naghuhugas?" sarkastikong sagot nito sa kanya.
"Pilosopo! Akin na nga 'yan. Nakakahiya naman sa'yo"
"No, it's fine... Matulog ka nalang,patapos na oh"
"No... ako na" aagawin pa sana niya ang ginagawa nito ng bigla siyang hapitin nito sa bewang...
"Sabi ko, ako na...." gahibla nalang ang distansya ng mukha nito sa kanya.
Bigla niya itong tinulak dahil sa tensyon na kanyang naramdaman.
" sabi ko nga ikaw na..., ayusin mo ha!" pagtataray niya rito at tumakbo na paakyat sa hagdan.
Nang maisara ang pinto ng kanyang kwarto ay napasandal siya sa dinding. Kinapa niya ang kanyang dibdib. Sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso.
Gosh! This is so wrong! Bodyguard mo siya Lianna! Hindi ka dapat ma fall! Duuuuh!!! saway niya sa kanyang sarili.
Dahil sa hindi mapaliwanag niyang nararamdaman ay mas minabuti na lamang niyang maligo. Binuksan nito ang gripo sa bathtub at lumublob doon.
Matapos maligo ay nahiga na siya. Halos madaling araw na pero hindi parin siya dinadalaw ng antok.
"F*ck! Anu ba yan!' napabalikwas siya sa higaan.
Ganito na siya simula lang noong makilala niya si Marco. She don't know the reason why. There were sometimes na pinangigigilan niya ito sa isipan. Minsan pinagpapantasyahan niya rin ito, napapaisip na rin siya ng mga kapilyohan.
Ayaw na ayaw niya ng bodyguard noon. Ewan ba itong Ninong niya kung maka todo bantay naman. Kahit sa ibang bansa siya may sekretong bodyguards siya, pero siya din itong mala palos kung makatakas palagi sa mga ito.
But Marco is one of a kind, she may get a chance to escape but he has this ways to find her too.
Naririnig na niya ang tilaok ng mga manok sa paligid bago siya tuluyang mawalan ng ulirat dahil sa antok.
Mataas na ang sikat ng araw nang magising si Lianna. Mabilisang hilamos at suklay ng buhok lang ang kanyang ginawa at bumaba na sa sala.
Nakabibinging katahimikan ang bumungad sa kanya.
Nasan kaya ang mokong na yon? Humihikab pa siya habang naglalakad papunta sa kusina.
Sinalubong siya ng halimuyak ng nilulutong pagkain. Dahan-dahan siyang sumilip sa pinto. Napanganga na lamang siya ng makitang si Marco ang nagluluto. Walang damit pang-itaas. Hindi siya nito napansin dahil nakatalikod ito at abala sa ginagawa.
Ma muscle ang likod nito. Sarap na sarap siya sa kakatitig dito na hindi niya namalayang nakaharap na pala ito sa kanya.
"Enjoying the view?", napapitlag siya ng magsalita ito.
shuta ka Liana! nakakahiya!
"As if naman may maganda da view!!!" supladang sabat niya.
Kaya pala tulo laway ka!, saway ng isip niya.
Hindi na ito sumagot sa kanya dahil binalik nito ang pansin sa niluluto.
Lumapit siya sa mesa at naupo. Maya-maya ay tapos na rin ito sa ginagawa at naghain na..
Kumalam lalo ang sikmura niya ng mailapag ni Marco ang mga pagkain sa mesa.
Para siyang prinsesa sa lagay niya ngayon. Prente lang siyang nakaupo habang siniserbehan ng binata..
Ayan na naman siya at busy na naman sa kaka titig dito. Napaka gwapo nito lalo na pag tinititigan. Yong mukhang di ka mag sasawa kahit habang buhay mong titigan.
Gumagalaw pa ang muscles nito sa braso habang nag sasandok ng kanin at nilalagay sa pinggan niya.
Nagdadalawang isip tuloy siya kung alin kaya ang masarap? yong pagkain o yong nag handa ng pagkain???
"Go back to your senses and start eating!" sabay pitik nito sa noo niya. Natapos tuloy ang day dreaming niya.
Hindi siya naka sagot. Cat got her tounge ikanga. Tinalikuran siya nito at nagsimula na siyang kumain.
Maya-maya ay bumalik na rin ito. Nagsuot lang pala ito ng T-shirt. Sumabay na ito sa kanya sa pagkain.
"Ang sarap naman ng food, marunong ka pala mag luto ah... Hmmmm. sinong nagturo sa'yo?" tanong ng dalaga.
"Mom" maiksing sagot nito.
"Sana all", malungkot na wika niya.
"Buti naman nagustohan mo ang pagkain"
"Oo naman nhu. Hindi naman pihikan masyado sa pagkain. Food is layp nga ako eh, di nga lang ako marunong mag luto... Yun lang,, hahahaha" mahabang litanya niya rito.
"kung ganun, di ka pala pwedeng mag-asawa" nakatitig ito sa kanya.
"at bakit mo naman nasabi yan aber??"
"kung gusto mo mag-asawa dapat maghanap ka ng lalaking di marunong kumain"
"Ang gulo mo kausap, bwisit ka." taray niya rito.
Pinagpatuloy nila ang pagkain. Pagkatapos kumain ay siya na ang nag presentang maghugas ng mga plato.
Nang matapos sa ginagawa ay babalik na sana siya sa kanyang kwarto ng mapansin niyang may kausap si Marco sa cellphone nito.
Papalapit na siya rito ng matapos ito sa kausap.
"Pwede na daw tayong umuwi sa mansion sabi ng Ninong mo" panimula nito.
"Uuwi na tayo?"
"Bakit, ayaw mo?" balik tanong nito sa kanya.
"AYOKO PA!" sigaw ng isip niya.
"U...uwi na din.. of course. Napaka boring na din kaya dito... hays... Anong oras ba tayo aalis?" sagot niya rito.
"we can leave anytime kung handa ka na" maising sagot ng binata.
Hays.... uuwi na daw... Bulong ng puso niya..
Nag eenjoy pa sana siya pero sige na nga lang.
Matapos i.secure ang buong bahay ay agad na din silang umalis. Buong byahe silang tahimik, halos mapanisan siya ng laway dahil naging tahimik ang binata. mas minabuti na lamang niyang matulog kahit hindi naman siya inaantok. Nagising na lamang siya ng makaramdam ng mumunting tapik nito sa kanyang pisngi.
"Wake up sleepy head. Were here."
----------------------------------
FAST FORWARD
----------------------------------
Naging busy ang mga sumunod na araw para sa buong pamilya. Kaliwat kanan ang naging lakad para sa kampanya ng kanyang ama-amahan. Walang masyadong solo time ang dalaga, pinag paliban muna nito ang pagpapantasya sa binata. Buhos ang oras nilang lahat sa kampanya.
Matiwasay na natapos ang halalan at laking pasasalamat ng lahat dahil nanalo ang kanyang amahan sa eleksyon.
Bilang pasasalamat ay nagkaroon ng munting salo-salo ang pamilya ng sumunod na mga araw.
"Congratulations Dad" bati niya sa kanyang Ninong.
"Congratulations Sir" pagbati naman ng mga bodyguards at iba pa nilang taohan sa mansion.
"MARAMING SALAMAT SA SUPORTA NINYO SA AKIN SIMULA SA UMPISA AT MATAPOS ANG KAMPANYA! KAYA BILANG PASASALAMAT, LET'S CHEERS TO THAT!" wika ng kanyang amahan at sabay sabay silang nag cheers.
"sama-sama tayong magsunog ng atay!" sigaw ni Liana...
"Aray naman!" Daaaaddd!" bigla kasi nitong pinitik ang noo niya.
"Ikaw talaga! parang di ka dalaga!" bulong nito sa kanya.
"Dad naman. Di ka mabiro! Sige ka, magkaka wrinkles ka!! hahahahahhaha.