McKenzie Henry Mirchovich's Pov (Chess Dark King) Klarissa.. Wala talaga ako sa mood makinig sa usapan nila dahil nag-aalala pa din ako kay Zaire, kahit na sinabi na nilang okey na sya. Pero nang mabanggit ang pangalang yan, hindi ko napigilang ilipat ang atensyon sa kanila at makinig. Kung tama ang pagkakaintindi ko, isang doctor ang babaeng ito na syang tumitingin sa lagay ni ZerHia. At plano nila itong papuntahin dito para i-check up uli si ZerHia kasama sina Zea at Shun nang masiguro ang kalagayan nito. Pero mabilis na tumanggi si Zea at hindi sinagot kung bakit. Natahimik ang lahat pero napakunot noo ako ng mapatingin ako kay Zea na nakatingin din pala sa akin. "hmm, hmm, bakit narinig ko yata ang pangalan ko dyan.." Napalingon kaming lahat nang bumukas ang pintuan at pumasok a

