ZerHia Aquamarine Xermin's Pov (Chess Dark Queen) Kahit ako sa sarili ko, hindi makapaniwala na nagagawa kong makipagsabayan sa pakikipaglaban kay Ate Zaire sa kabila ng sitwasyon ko. Nagpapalitan lang kami ng suntok at sipa. May ilan na nagagawa naming sanggain pero karamihan ay nakakalusot sa depensa namin at tumatama sa amin. Pero aaminin ko, hindi madaling makipaglaban sa isang demonyog tulad ni Ate Zaire lalo na't nawawala sya sa sarili nya everytime na babanggitin ko ang pangalan ni Calistha. Pareho na kaming hinihingal. Pero mas matindi yata ang hingal ko dahil nagsisimula ng sumikip ang dibdib ko. Dammit!! Wag naman sana akong atakihin ngayon. Hindi ko pa nakukuha ang gusto kong marinig mula sa kanya. Masakit na ang katawan ko at alam kong ganun din sya. May cut na din ako sa

