Zaire Emerald Xermin's Pov (Chess White Queen) Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan at ang unang pumasok sa isip ko ay si Zerhia. Hindi ko na din kasi sya nadidinig sa earpiece kaya hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya na mas lalong nakadagdag sa kaba ko. "Gem, she's fine. Hindi mo kailangang mag-alala." Ani McKenzie. "Gustuhin ko man, hindi nakikisama ang utak at pakiramdam ko." Ipinikit ko ang mga mata ko dahil talagang doble-doble ang kabang nararamdaman ko ngayon. Pero agad din akong napadilat at mabilis na bumitaw kay McKenzie. Iyon nga lang, bago pa ako tuluyang makababa sa pagkakabuhat nya sa akin ay binitiwan nya ang mga binti ko tsaka ako hinablot sa bewang at inikot upang tuluyang maiwasan ang mga daggers na syang papunta sana sa kinatatayuan namin kanina. T

