ZACK "Son, nandito ka na pala. Umupo ka na't kakaumpisa lang din namin." Agad bati ng aking ina nang marating ko ang malawak naming dining area dito sa mansiyon. Magkakasama kami ngayon para sa dinner. I have my own place and once in a while, umuuwi ako ng mansiyon para sa ganitong pagkakataon. We can not say no when our mom tell us to spend time over dinner. "Kuya, ba't ganyan na naman ang mukha mo? Para ka na namang nalukot na ewan," ani naman ni Lucas. "Troubles at the court or at the company?" Si Dad naman habang nilalagyan ng ulam ang pinggan ni Mom. Napabuntong-hininga ako ng malalim. Ayoko sanang magsalita sa nangyari sa maghapon ko, pero duda naman akong maitatago ko ang hilatsa ng mukha ko. Kung bakit ba kasi ganito kami ka- close? Konting kunot-noo ng isa, halata na kaagad n

