Isang linggo na mula nang mangyari ang pagdukot at p*******t kay Zack. Ayon sa kanilang intel report, nagpapalamig ang sindikato. Hinalughog na nila ang lahat na posibleng pagtaguan ng nasabing grupo. Ang mga hawak nilang tauhan ng Olympus ay pawang matitigas at hindi mapaamin. Nakatakas din si Louise Anzorandia noong gabing nangyari ang pagtangka sa Condominium. Nakuha ito ng mga kasamahan bago pa man nakarating ang grupo nina Nepomuceno. Ramdam ng mga kasamahan ni Gwen ang frustration ng dalaga. Sadyang madulas at magaling ang Olympus. Lahat ng plano nila ay mukhang nasasalag kaagad ng organisasyon kaya hindi maalis-alis sa isip ng dalagang pulis ang posibilidad na may leakage na nagaganap. Ngayo'y patungo sila ng dalaga sa Araneta para sa championship game ni Zack. Hindi pa rin siya n

