Kaira's POV Hindi ako umiimik habang nandito ako sa kotse ni Andrex. Nakacross arms lang ako at nakasimangot habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko kinikibo si Andrex. "Kaira." Tawag niya sakin pero hindi ko parin siya tinignan. Nanatili akong nakatingin sa labas. Kaasar naman kasi si Ayen. Bakit ba dito ako pinasabay? "HOY!!! IBANG RUTA NA TO AH?? SAAN MO AKO DADALHIN?" Tanong ko kay Andrex nung mapansin kong umiba siya ng daan at hindi iyon pauwi sa bahay. "May ipapakilala ako sayo." Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Sino namang ipapakilala niya sakin? "S-sino?" I asked. "Basta." Seryoso niyang sabi. Hindi nalang ulit ako umimik. Napansin kong nasa subdivision na kami nila Andrex kaya naisip kong baka dadalhin niya ako sa baha----WAIT??? Nilingon ko siya. "Dadalhi

