Ian's POV Nakatingin lang ako sa papalayong kotse ni Ara. Napatingin ako kay Dale na seryosong nakatingin sakin. "What was that?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya. "Bakit ka nagpakilala? Lalong magugulo ang utak nun. Baka malabo nanaman siyang magtiwala sakin. Hirap na hirap na nga akong ibalik siya sakin ngayon tapos dadagdag ka pa." Naiinis kong sabi. Napakunot ang noo ko nung bigla siyang tumawa. Malakas talaga ang tama ng kapatid ko. "Hahaha. Nakakaaliw ka naman. Binawasan ko nga ang problema mo eh." "Gag*. Binawasan ka jan! Dinagdagan mo kaya!" Sigaw ko. Bigla siyang may itinapong envelope sakin at buti nalang nasalo ko to. "Ano to?" Tanong ko. "Basahin mo." Wika niya. Binuksan ko naman ang envelope at binasa ang papeles na nandito. Agad nanlaki ang mga mata k

