Ara's POV "ARA!!!!" Napatingin ako kay Kaira na pumasok sa opisina ko na hindi man lang kumakatok. Anong kailangan ng isang to ngayon? "Oh?" Bored kong tanong. "May nagrerevive ng Gang Ass." Natigilan ako sa binalita niya sakin. Tinignan ko siya ng seryoso at naghintay kung may susunod pa siyang sasabihin pero hindi na siya nagsalita. Parang naghihintay ng irereact ko. "Ahh." Sabi ko at humarap nalang ulit sa laptop ko. Bigla siyang lumapit sa table ko at ibinagsak ang dalawa niyang kamay doon. "Ayan lang reaction mo? Hindi ka magagalit?" Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. "Pakialam ko ba kung may nagrerevive ng Gang Ass? So? Ano ngayon? Bahala sila sa buhay nila." Sabi ko at nagpatuloy sa ginagawa. "P-pero... Hindi ka ba natatakot na gamitin ito ng VMafia at mandamay pa

