Nang dumating ang araw ng kaarawan ni Brandon nanging abala si Inday sa mga gawaing bahay kaya naman hindi na rin nito alam ang kanyang gagawin ng araw na yun. " Inday, siguradohin mo na malinis ang bahay bago dumating ang mga bisita ko, tsaka nga pala kung pwede lang h'wag mo ipakita ang pagka ingot mo sa kanila, okay?" Darityahang pagkakasabi ni Brandon at naunawaan naman ni Inday ang bilin nya dito. Batid ni Inday na maraming bisita ang dadalo sa kaarawan ng kanyang amo kaya naman nilinis nya na ang buong bahay ng kanyang amo. " Ang bilis naman ng oras, mag gagabi na pala at darating na ang mga bisita ni sir Brandon" Tila napapagod nang sabi ni Inday at maya-maya pa narinig nya ang maingay na pag sigaw ng mga bisita ng kanyang amo at halos lahat ito ay mga kaibigan ni sir Brandon nya

