Chapter 22

2160 Words
Halos nasa isang linggo na rin ang nakakalipas mula ng mangyari ang pagtatampo ni Atasha kay William na umabot pa sa pag-alis ng dalaga nang walang paalam. Sa loob ng isang linggong iyon ay ramdam ni Atasha ang pagbawi ng binata sa kanya. Hindi siya nito inaaway. Higit sa lahat ay kung ano ang kanyang nais kainin ay ibinibigay nito. Kahit sabihing walang inorasan ang cravings niya. Alas dos nang madaling araw sa mga oras na iyon ng muling sulyapan ni Atasha ang oras sa wall clock. Hindi talaga niya mapigilan ang sarili ng bigla na lang siyang magising at biglang magcrave sa empanada. Nang araw na nakita siya ni William sa isang parke at nasundan pa ng kaibigan nitong si Jacobo at nakita silang naghahalikan ay inihatid sila nito sa condo ni William. Pagkarating nila nang bahay ay nakaramdam siya ng gutom. Doon ibinigay sa kanya ni William ang burger na pabili niya. Hindi na niya nakain ang mangga, dahil cravings satisfied na siya doon sa kinain niya sa bahay nila. Ngunit ng ibinigay sa kanya nito ang empanada ay hindi niya mapigilan ang lungkot at saya na kanyang nadarama. Parang nagbalik lang sa kanya ang saya. Kasabay ng kalungkutang matagal na niyang kinikimkim. Habang kumakain ng empanada ay hindi mapigilan ni Atasha ang maiyak. Naalala na naman niya ang kuya niya. Gustuhin man niya itong makita. Ngunit wala talagang paraan para magkita sila. Nang umiyak siya ng dahil sa pagkamiss niya sa kuya niya ay bigla namang binalot ng pag-alala si William. Ngunit hindi naman niya pwedeng sabihin ang bagay na iyon sa lalaki. Kaya nagdahilan na lang siya. Na ganoon yata talaga ang buntis, weird. Basta may nakain na gusto ng panlasa o ayaw ay napakasensitive. Nang oras na iyon ay niyakap siya ni William at sinabihan siyang magiging maayos din ang lahat. Hanggang saka lang nila naalala na naroon din nga pala sa condo si Jacobo. Nakita na lang ni Atasha ang mga ngisi sa labi ng kaibigan ni William. At pagkaubos ng kape nito ay tuluyan na rin naman itong nagpaalam. Napatingin si Atasha sa bumukas na pintuan. Nakangiting mukha ni William ang kaagad niyang nakita. "Sorry natagalan," anito pagkasarado ng pintuan. "Nakabili ka pa?" tanong kaagad ni Atasha na ikinatango ni William. Sumilay naman ang napakagandan niyang ngiti ng itaas ni William ang dalawang kahon ng pabili niyang empanada. Sa totoo lang ay kaninang alas dose ng hating-gabi ay nagising siya at bigla na lang siya ulit nagcrave sa empanada. "Hindi pa sila nagsasara, o kabubukas lang?" Hindi na napigilan ni Atasha ang sarili at sinalubong na nito si William mula sa may pinto. Mabilis niyang kinuha ang dalawang kahon ng empanada at nagtungong muli sa pwesto niya sa may sofa. "Hindi naman halatang gutom ka na." "Hindi naman kasi ako ang gutom kundi ang anak mo. Isa pa akala ko talaga hindi ka na makakabili dahil alanganing oras na." Parang may pumulso sa kaibuturan ng puso ni William sa sinabing iyon ni Atasha. Bakit ganoong kasarap na pakinggan ang sinabi ng dalaga na ang anak niya ang nagugutom. Kahit hindi pa niya nakikita ang anak, pakiramdam niya ay totoong tatay na siya. Ngunit bukod doon ay kay sarap pakinggan ng salitang iyon dahil mula iyon kay Atasha. "Oi natulala ka na. Gusto mo?" "Hindi na, mukhang kulang pa sa iyo. Buti na lang talaga at napakiusapan ko ang manager ng Empanada House." "Bakit?" tanong ni Atasha habang patuloy lang kumakain ng pinabili niya. "Sarado na kasi sila. Bali five in the morning to ten in the evening lang ang bukas nila. Kaya sa ganitong oras tulog at sarado na ang tindahan. Ang oras naman ng eleven in the evening to four in the morning ang oras ng pagluluto nila ng empanada. So ayon, nakapakiusap ako sa manager na kung maaari ay pagbilhan ako kahit dalawang kahon ng empanada, dahil buntis ang asawa ko. So ayon, alam din naman yata nila na mahirap na hindi mapagbigyan ang buntis. Ayon at tinawagan ang staff niya. Kaya naman ayan. Enjoy your empanada." Natigilan naman sa pagnguya si Atasha sa sinabi ni William na 'buntis ang asawa ko.' Pinaningkitan pa niya ang lalaki sa hindi mapaniwalaang sinabi nito. "A-anong s-sinabi mong dahilan mo sa k-kanila?" nauutal pang tanong ni Atasha ng pitikin ni William ang noo niya. "Easy dragona, ikaw naman. Mag-ooverthink ka pa. Syempre sasabihin kong cravings iyon ng asawa ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na cravings lang po ng surrogate mother ng anak ko. Ikaw talaga." Napanguso na lang si Atasha. "Sabi ko nga." "Yan." "Sungit!" inis na saad ni Atasha kaya nailing na lang si William. "Naku dragona. Hindi ako masungit dragona ka lang talaga. Anong gusto mo?" "Bibigyan mo ako?" Kaagad naman ay nagbago ang mood ni Atasha at parang bigla namang bumait sa tanong na iyon. Kahit papaano ay nasasanay na si William sa mood swings ni Atasha. Magagalit ito, maiinis at magtataas ng boses. Minsan pa nga ay iba ang gusto nito, ang maging tahimik. At sa labis na katahimikan at gusto na yatang palitan na ang pader sa pwesto nito. Ngunit tulad ngayon, kanina ay inis na ito sa kanya. Pero nagbago na naman ang mood. "Ano bang gusto mo?" "Gusto ko ng soft drinks," ani Atasha habang nakatingin kay William. "No way!" may diing saad ni William. Aba'y kahit pa sabihin ni Atasha na gusto nito iyon ay talagang magalit na ito ngunit hindi niya ito pagbibigyan. Una sa lahat ay hindi maganda ang soft drinks sa katawan. Bukod pa doon ay anong oras pa lang. Lampas alas dos pa lang ng madaling araw. Tapos kung makahingi ito ng soft drinks ay daig pang tanghaling tapat sa mga oras na iyon. Napanguso na lang si Atasha dahil sa naging sagot sa kanya ni William. Ngunit sa loob-loob niya ay natutuwa lang talaga siya sa reaksyon ng binata. Sa katunayan ay hindi naman siya mahilig uminom ng soft drinks. Bukod sa bawal naman talaga ay mabibilang sa daliri ng kanyang palad ang pag-inom niya noon. "Atasha kahit ano huwag lang iyon. Hindi talaga pwede," pakiusap sa kanya ni William sa masuyong tinig. Gustong magdiwang ng puso ni Atasha. Alam niyang naiinis ito, ngunit pinipilit pa rin ni William na intindihin siya. "Chocolate drink na lang, huwag lang gatas. Hindi ko gusto ang lasa," aniya ng biglang tumayo si William at nilapitan pa siya. Napamaang na lang si Atasha ng bigla na lang siyang hinalikan ni William sa tungki ng kanyang ilong. "Right a way baby," ani William na ikinamaang niya. Dinampot pa nito ang isang kahon ng empanada at ipinagpaalam na itatago na lang muna. Nasundan na lang niya ng tingin ang papalayong bulto ni William na patungong kusina. "Anong gusto niyang palabasin?" naitanong na lang ni Atasha sa sarili habang hawak pa rin ang parteng tapat sa kanyang puso. "Anong sinabi niya? B-baby?" Hindi pa rin niya mapaniwalaan ang salitang iyon. Hanggang sa bigla na kang niyang naihawak ang malayang kamay na walang hawak na empanada sa kanyang sinapupunan. "Naiintindihan ko na," malungkot niyang saad nang biglang pumasok mulis ng salas si William, dala ang chocolate drink na hiningi niya. "Ano ang naiintindihan mo na?" "Wala, salamat sa pagtitimpla." "As always for my baby." "I know." Tipid na ngiti ang naging sagot ni Atasha. Alam naman niyang para lang talaga sa sanggol na dinadala niya ang mga ginagawa at pagtitiis ni William sa mood swings niya. Bakit pa ba siya aasa na darating ang panahong mahuhulog ito sa kanya. Baka nga nahulog na siya sa upuan, sa kinauupuan niya. Ngunit ang damdamin ni William ay matibay pa rin ang paninindigang hindi ito muling magmamahal ng makakasama nito sa buhay. "Ang lalim naman." Nagulat na lang si Atasha sa sinabing iyon ni William. Ni wala nga siyang maintindihan sa ibig nitong sabihin. "Nang ano?" "Ang pagbuntong-hininga mo. Sa sobrang lalim hindi ko maarok. May problema ka ba? May nais ka pa bang kainin sa mga oras na ito?" "Wala sige matulog ka na. Matutulog na rin ako pagkatapos kong kumain. Salamat," aniya na ikinailing ni William. "Sasamahan na kita dito hanggang sa ikaw na ang magsabing matutulog ka na." "Hindi na. Kaya ko na." "Atasha!" may diing saad ni William. Alam niyang nagsisimula na naman si Atasha na magbago ng mood. Ewan ba niya, kung bakit mula noong malaman nilang dalawa na nagdadalangtao si Atasha ay walang minuto na hindi nagbabago ang mood nito. Kahit maayos naman silang magkausap ay bigla na lang itong maiinis at magtatampo. Sa katunayan ay nasasanay na siyang talaga. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Dra. Marquez tungkol sa mood swings. Na ang mga babaeng buntis na nakakaranas ng ganoon ay humihingi lang ng atensyon at labis na pagmamahal. Bigla niyang naalala ang mga sinasabi ni Atasha noong makita niya ito sa may park noong umalis ito ng walang paalam sa kanya kahit gabi na. Doon biglang pumasok sa isipan niya ang isang bagay. Isang desisyon na oo nga at kung titingnan ay mabilis, ngunit alam niya sa sarili niyang hindi niya iyon pagsisisihan. Mabuting ina si Atasha sa anak nitong si Juaquim. Kaya naman sigurado siyang mamahalin din nito ang anak niyang, anak din naman nitong totoo. Sabi nga hindi na lang siya magsasalita. Ngunit ipaparamdam niya kay Atasha ang dapat, hanggang sa kaya na niyang sabihin, o kung talagang totoo na siya sa sarili niyang damdamin. "Atasha," ani William sa malambing na tinig. Masama pa rin ang tinging ipinupukol ni Atasha sa kanya ngunit hindi na lang niya pinansin ang dalaga. Nilapitan niya ito at mabilis na dinampian ng magaang halik ang labi nito. Mabilis lang iyon, ngunit kahit si William ay iba ang naramdaman sa pagdami ng labi nila sa isa't isa. "W-William." "Trust me Atasha. Everything will be alright at the right moment and time. For now, bakit hindi nating subukang maging maayos ang pagsasama natin? Although hindi naman tayo magkarelasyon. Pero bakit hindi natin subukang maging isang totoong mga magulang. Total naman ay dalaga ka at walang sabit. Oo nariyan si Juaquim, pero tanggap ko si Juaquim. Hay Atasha, hindi ko alam ang mga sinasabi ko. Ngunit gusto kong ipaliwanag ang nais kong iparating. Naguguluhan ako. Kaya lang--." Natigilan si William sa pagsasalita ng iharang ni Atasha ang hintuturo niya sa labi ni William. "Sigurado ka?" nahihiyang tanong ni Atasha. "Oo naman. Nag-aalangan lang ako, hindi dahil baka lokohin mo ako. Kundi akala ko, mahirap muling pumasok sa isang bagay na alam kung naranasan ko na at niloko lang ako. Ngunit mula nang dumating ka, parang nagigiba ang pundasyong inihaharang ko sa sarili ko. Tapos ito na iyong gusto kong sabihin ngunit hindi ko naman maipaliwag." "Don't worry if you don't explain it clearly. I understand. Kahit mas lamang ang magulo. Pero sigurado ka? Mahina ako sa ganito William. Masaya akong napunta ako kay Nanay Rosing. Ngunit kulang ako sa pagmamahal. Kulang sa aruga, walang kalinga. Kahit may mga kasama ako, parang mag-isa pa rin ako. Naghahanap ako ng pagmamahal na hindi ko naramdaman at naranasan. Sorry din kung nagsinungaling akong ampon ako. Sa totoo may malalim akong dahilan, na hindi ko pa kayang sabihin na gusto ko ring kalimutan na lang." "Nauunawaan ko, dahil pinaimbestigahan ko ang pagkatao mo. Ngunit bukod sa sinabi mo, wala na rin naman akong makuhang impormasyon sa iyo. Maliban na lang na minsan sa nakalipas na ilang taon. Sumulpot ka na lang bigla, sa buhay ng nanay mo." "Masasabi ko rin siguro sa iyo ang totoo. Kaya lang hindi pa sa ngayon. Ngunit ipinapangako ko sa iyo. Dumating man ang panahong hindi magwork itong sinasabi mo. Pangako masakit man para sa akin ang lahat, maiiwan sa iyo ang tagapagmana mo. May isa akong salita. Kahit labag iyon sa totoong gusto ko." "Thank you Atasha." Hindi inaasahan ni Atasha ang naging kilos ni William ng mabilis siya nitong hinalikan sa labi. Kung kanina ay smack lang iyon. Ngayon naman ay halos hindi na siya makahinga. "W-William," halos bulong na saad ni Atasha sa pangalan ng binata. "A-Atasha." "W-William, can you." "Can I what sweetheart?" tanong ni William habang nagpapakalunod sa halik na tinutugon ni Atasha. Simpleng halik lang naman iyon, dahil sa totoo masaya siya sa sinabi ni Atasha. Ngunit ng sa ikalawang beses sa mga oras na iyon na maglapat ang mga labi nila. Hiniling niyang sana ay tugunin siya ng dalaga. Hindi naman siya nabigo kaya ipinagpatuloy lang niya ang paghalik sa dalaga. Na kung mahihinto ay talagang mabibitin siya. "C-an you. Can you t-take me William," ani Atasha sa nahihiyang tinig na ikinagulat niya. "H-hindi ko m-maipaliwanag. Kaya lang. P-parang g-gusto kong m-maramdaman ang b-bagay na iyon," paliwanag pa niya. Nakatingin lang naman si William sa mukha ni Atasha. Hindi tuloy niya malaman kung naiinis si William sa kanya. O baka iniisip nitong biro lang ang lahat. Kaya lang, hindi niya maipaliwag ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Paulit-ulit namang nag-e-echo sa pandinig ni William ang sinabi ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD