[Ayane's pov] Pagbalik ko sa aming mansyon, kapansin pansin ang mga nagkakagulo at nagkalat na napakaraming security guard sa paligid. Nagkibit balikat na lang ako at lihim na nagtungo sa likurang bahagi ng mansyon para doon pumasok. Unang bumungad sa akin si Lance na abala sa pakikipag-usap niya sa kanyang radyo. Nilapitan ko siya at tinapik sa kanyang balikat. Nanlalaki ang mga mata niya nang makita ako "uy Lance, anong meron at napakaraming security sa labas?" tanong ko sa kanya Hindi makapaniwalang tinitigan ako ni Lance saka naghalukipkip ng kanyang braso "Ayane, saan ka galing?" tanong niya "alam mo na nagkakagulo rito dahil biglaan ka na lang nawala sa loob ng iyong kwarto!" histerikal na sabi niya Napalunok ako "alam mo ba na pinahalughog na namin ang mga lugar na pwede mong p

