[Ayane's pov] Mga gabi na nang maisipan namin magsiuwian. Wala naman ako pagsisisi bago umuwi muli sa aming mansyon. Dahil para sa akin, ito na ang pinakamasayang naging araw ko. Wala ng mas sasaya na makasama ko muli ang aking buong pamilya. Iyon nga lang siguradong bukas ay babalik muli kami sa dati. Siguradong bukas magiging abala muli sila dahil ilang araw na lang ay magaganap na ang pinaghahandaan nilang event. Pero ngayon, talagang okay lang sa akin dahil alam ko kung gaano nila kamahal ang kanilang trabaho. Siguro kailangan ko rin ipakita na buo ang aking suporta para sa mga Robins. "Eww! Tulo ang laway ni Kuya habang natutulog" nandidiring sabi ni Ate Zy habang nakatingin sa nakatulog naming kapatid Nilingon kami ni mama "Zy, huwag kang malikot baka magising mo si Ryo" saway

