Laura's POV
_
_
_
_
_
LUNES at simula na naman ng pasok ko sa trabaho. Ayoko sanang pumasok dahil tiyak na makikita ko lang ang dalawang taksil na iyon.
Nakilala ko si Eric sa trabaho rin sa ibang hotel, OJT palang ako noon. Naging magnobyo kame later, tapos ay nagresign ito doon at nag apply sa Cristobal Hotel and Resort. Nakuha ito roon bilang Guest Services Manager dahil marami itong experience sa ganoong field. Nang makadalawang taon ito doon ay ipinasok ako nito bilang Front Desk ng hotel. Agad din naman akong natangap, halos mag iisang taon na rin akong nagtatrabaho.
"Sissy halika na baka malate tayo." yaya ni Wendy saakin. Kanina pa nga pala sila nakagayak ni Bruce. Ang dalawa kong kaibigan ay parehong sa cleaning and maintenance ng hotel nagtatrabaho.
Graduate ako ng HRM sa isang school sa Sta.Rosa Laguna. Nang makagraduate ay anim na buwan akong nagtrabaho sa Pansol Laguna bilang pang experience bago sumabak sa Manila sabi nga ng tita ko na nagpaaral saakin bakit ko raw tinatyaga doon at di agad ako pumasok sa Manila. Hindi naman kasi ako mapili sa trabaho gusto ko rin makaipon ng pangapply ko at pangtira ko sa Manila.
Bente tres na ako, single parent ang Nanay ko kaya naman laki talaga ako sa hirap. Sampung taon ako ng mamatay ang Tatay ko mula sa aksidente, tricycle driver ito at nabangga ito ng isang truck at dead on the spot. Namulat ako sa hirap at kung paanong nagtiis ang Nanay ko maitaguyod lang kameng magkapatid. Kaya sa tulong ng mga kapatid ni Nanay ay nakapag-tapos ako.
Tiningnan ko ang sarili sa salamin dinagdagan ko ng foundation ang mukha ko para itago ang pangingitim ng gilid ng mga mata ko.
"Taralets." yaya ni Bruce. "Wag lang papakita sakin yang si nguso kakalbuhin ko siya, dapat sakanya hinuhusto sa zonrox ng maalis ang kati." pumapalatak na wika nito.
Nang makarating kame sa Cristobal Hotel and Resort ay ipinasok muna namin sa staff area ang mga gamit namin bago nagpunta sa kanya kanyang pwesto.
As a front desk worker dapat ay palagi kameng nakangiti at maganda sa tuwing may papasok na visitors or bakasyonista.
Ngumiti ako nang matanaw ko ang maganda at batang batang asawa ng may ari ng Cristobal Hotel and Resort na si Ma'am Celine bitbit nito ang poging anak nito na si Noah. Nakakainggit ang ganda niya, palabati rin ito sa aming mga nagtatrabaho sa hotel.
"Good Morning po Ma'am Celine." Bati ko. Ngumiti ito at lalong lumabas dimples nito at pantay pantay na mga ngipin. Papasa itong holywood actress sa ganda. Kaya naman hindi nakapagtatakang asawa ito ng isa sa mayayaman sa bansa. Mayaman rin naman ang angkan ni Ma'am Celine dahil isa itong Del Prado matunog sa larangan ng mga condominium at resorts.
"Good morning." nakangiting bati nito saamin bago sumakay ng elevator.
Tumingin ako kay Jessa ang kasama ko sa front desk ngayon. Napasimangot ako ng mahagip nang paningin ko si Vicky at nakaabistre pa kay Eric. Ang mga lintek talagang ipinangalandakan na ang sarili.
Naramdaman kong siniko ako ni Jessa."Hiwalay na ba kayo ni Sir Eric?" usisa nito. Tumango ako dahil ayoko ng issues pa. "Kelan pa?" tanong pa muli nito.
"Weekend lang." tipid na sagot ko, inabala ko na ang sarili ko at chineck ko na lamang kung may mga booking kame today. Nasasaktan pa rin ako minahal ko si Eric akala ko nga ito na ang lalaking maghaharap sa akin sa altar ngunit mali pala ako.
"Omg, si Sir Sebastian." tila kilig na kilig pa na sabi ni Jessa. Hindi ko siya pinansin at nakatutok lang ang mata ko sa computer. "Sobrang gwapo niya, pinsan yan ni Ma'am Celine. Alam ko may agency yan na puro mga detective na hunk ang nandun." kinikilig na patuloy nito. Kiber ko ba pag gwapo malamang mas malala sa pagiging palikero. Kung si Eric nga na basic lang ang itsura nagawa pang magloko.
"Good morning." narinig kong sabi ng isang baritonong tinig. Akmang lilingon na ako ng may nagsalita na dalawa sa harap ko at doon napako ang attensyon ko. Kaya si Jessa na ang nag asikaso sa kadarating pa lamang na guest.
Nagsalita ang babaeng nasa harap ko at sinabi ang pangalan nila na nagbook sa hotel. Agad kong tinype at lumabas naman sa screen ng computer ang name at room nila. Binuksan ko ang drawer at kinuha ang keycard nila.
"Here's your keycard Ma'am." abot ko sa babae. "Enjoy your 3-day vacation here Ma'am, Sir. And if you need anything you can call us." Nakangiti kong sabi. Matapos makipag usap ay agad na tinawag ko ang bellboy ng hotel upang ihatid ang dalawa.
"Ay jusko ka ang pogi pogi ni Sir Sebastian." kinililig na sabi ni Jessa. Nilingon ko siya at napailing iling nalang.
"Puro ka pogi." sabi ko
"Mag stay siya dito ng dalawang araw bongga at ang tamis ng ngiti niya habang binibigay ko ang keycard niya." kilig na kilig pa rin na patuloy nito. Ito siguro yung narinig ko kaninang boses ng lalaki.
"Pag pogi playboy yun." sabi ko, agad na sumimangot ito.
"Grabe ka naman."
"Pupusta ako playboy iyon." hamon ko pa.
"Oo na, oo na." nakasibangot na sagot nito. "Atleast may K maging playboy kesa naman sa EX mo." inirapan ko ito sa pagtukoy sa huli. Sabagay may point ito, pero still ang pagiging playboy ay kinaiinisan ko pa rin. Sila ang taong dapat nilalayuan ng mga taong seryoso sa pakikipagrelasyon.
Naging abala na kame sa gawain namin dahil peak season ngayon at maraming nagbabakasyon mula sa ibang bansa dito sa Pinas ay marami kameng guest. Bukod pa sa mga locals.
Sa susunod na linggo ay magfile ako ng leave sa head office. Pakiramdam ko kasi ay masisiraan ako ng bait sa tuwing makikita ko na naglalampungan sa harap ko si Vicky at Eric. Baka makulong ako ng wala sa oras pag hindi ako nakapagtimpi.
Sumapit na ang uwian namin nasa staff area na kame at kasalukuyang inaayos ang bag ko ng sumulpot doon si Vicky.
"Sana naman ngayong break na kayo ni Eric ay iiwasan mong makipag usap pa sa boyfriend ko." mariin kong ipinikit ang mata ko, ayokong makapanakit lalo at nasa loob pa kame ng building na pinagtatrabahuhan namin.
"Ay eskabeche na talaga matapang." sabi ni Bruce. Tiningnan ko si Bruce at umiling senyas na ayoko ng gulo.
Ang gusto ko kung may gulong magaganap ay hindi ako o kame ng mga kaibigan ko ang nagsimula.
"Hoy binabaeng walang dede wag kang makisali sali" matapang na panlalait pa nito kay Bruce. Hinila ko sa braso si Bruce knowing him tiyak na malulugas ang buhok ni Vicky.
"Pwede ba Vicky nasa facility ka pa ng pinagtatrabahuhan natin kaya umakto ka ng naaayon sa work ettiques ng company." naiinis kong sabi.
Tumaas ang isang kamay nito at dinuro ako. Hindi ito nagsalita at nang gigigil na tinalikuran kame. Bumuntong hininga na lamang ako. Pakiramdam ko ay parang gusto kong magresign nalang dahil tiyak na gulo ang kasasapitan namin araw araw.
Hinilot ko ang sintido ko. Kinuha ko ang bag ko at niyaya na sila Wendy at Bruce. Mamaya pag uwi sa bahay ay gagawa na ako ng resignation letter. Parang sa laban na ito ako na ang niloko ako pa ang talong talo at magpaparaya.
Minsan gusto kong unawain kung bakit nagloloko ang mga lalaki sa asawa o karelasyon nila. Was it really about s*x? Or involve din ang puso? Kasi kung mahal nila ito bakit kailangan nilang tumingin sa iba at mahulog dito? May thrill ba kapag alam mong kahit may karelasyon ka ay meron ka pang sidekick? Nakakataas ba ng ego iyon pag daladalawa? Hindi ako perpektong girlfriend siguro ko may pagkukulang ako sa usaping romansa pero doon ba nasusukat ang pagmamahal? Sa s*x ba?
******
Nakarating kame sa bahay ng matiwasay. Agad akong pumasok sa silid namin ni Wendy at nagpalit ng pambahay. Pasado alas otso na ng gabi, kaya naman nagsalang na ako ng sinaing habang si Bruce ay iniinit ang ulam namin na beef caldereta. Kame nalamang ang lalantak ng niluto ko kahapon tipid sa hapunan may cake na dessert pa.
Matapos maghapunan ay binuksan ko ang may kalumaan kong laptop upang gumawa ng resignation letter.
"Ano yan?" puna ni Bruce nasa lamesita kasi ako.
"Resignation Letter." balewalang sabi ko.
"Bakit ikaw ang aalis? Edi parang binigyan mo lalo ng kasiyahan ang dalawang uod na iyon?" nag sisimula nanaman itong magalit.
Nagkibit balikat ako. Wala naman problema saakin kung ako ang aalis. Ayoko lamang ng gulo at magkaroon ng bad record sa resume ko or company background na kaya ako napaalis sa pinagtatrabahuhan ay dahil sa gulo.
"Marami pa naman ibang maaapplyan dyan." balewalang sagot ko. Nagpapalatak pa ito.
"Pero girl tama naman si Bruce bakit ikaw ang kailangan magsakripisyo sila na nga itong namindeho?" tanong ni Wendy.
"Ayoko lang nga ng gulo, tsaka hindi ko naman ito ibibigay pa." sagot ko, sabay pang bumuntong hininga ito.
"Masyado kang mabait Laura, kaya lolokohin ka talaga." palatak ni Bruce. "Pag-isipan mo yang resignation letter mo."
"Basta kung need mo ng kasama mag apply sabihin mo lang at sasamahan kita agad once na magresign ka na talaga." ani Wendy.
"Lintek kasing ulikba mong ex akala mo naman mala Richard Gomez ang look na tall dark and handsome. Eh puro lang siya dark. Ewan ko ba naman sayo bakit nainlababo ka dun." parungit nito, hindi ko alam kung matatawa ako sa panlalait nito. Hindi naman maitim na maitim si Eric pero hindi rin naman kasing moreno ni Richard Gomez na hunky talaga. Mabait kasi ito noong makilala ko pati ang Nanay nito at kapatid ay malapit saakin. Hindi rin naman ako ang tipo ng babae na tumitingin sa panlabas. May itsura ito pero hindi hunky na pang billboard model. Pero hindi rin naman pangit.
"Masyado kang maganda kasi talaga para sa ex mo na yun." dagdag ni Wendy. "Kalevel mo nga ang beauty ni Ma'am Celine. Kaya nga magigiliw palagi ang guest natin sayo kasi ang ganda ganda mo daw." puri pa ni Wendy, bigla ay nagkaroon ako ng sangkaterbang confidence.
"Bola pa, sige tumataas ang confidence level ko." natatawang sagot ko.
"Oy baklush ang ganda ganda mo kaya ang amo amo ng mukha mo. Para kang Pinay Version ni Elle Fanning yung bida sa Maleficent. Kinabog mo pa ang ganda nun tapos biniyayaan ka pa ng magandang katawan, pakbaklush ang dibdib kaya iyang ulikba mong ex atat maikama ka." dagdag ni Bruce, gusto kong matawa sa pampalakas na loob na binibigay nila.
Ngumiti ako. "Kahit magkasing ganda pa kame ni Elle Fanning kung lapitin pa rin ako ng manloloko talo ang beauty ko." irap na sagot ko.
"Ikaw kasi isuko na ang bataan sa susunod wag magpakasleeping beauty pati si bataan." natatawang sabi ni Wendy.
"Abay 23 years ka ng tigang." buska ni Bruce.
"Grabe tigang talaga?" nakasibangot na tanong ko. Tawa naman ng tawa si Wendy. Hinampas ko ito. "Akala mo naman sila nadidiligan." irap kong muli.
Tumayo si Bruce ay umikot ikot. "Oy oy, huwag mong maniin ang beauty ko daily akong may dilig ano ka!" pagmamalaki pa nito, tigagal kame pareho ni Wendy. Ang barubal talaga nito minsan magsalita tungkol sa s*x life.
"Hindi man ako daily eh weekly naman ako." pagmamalaki naman ni Wendy, napangiwi ako. Saan nanaman ba mauuwi ang usapan naming tatlo. Sangkatutak na s*x life nanaman nila.
"Kung ano sayo girl ibigay na yan pero wag dun kay ulikba ha, doon naman sa papalicious. Tipong heaven naman ang ipalalasap at hindi lupa." Humagalpak sa tawa si Wendy sa sinabi ni Bruce. Ngali ngali kong batukan ang mga ito. Pag-usaping s*x life talaga kagagaling ng mga ito.
"Sabagay saan nga ba makakarating ang less than 4 inches baka sa b****a lamang." dagdag pa ni Wendy kaya naman lalong napuno ng tawanan ang apartment namin, ibinato ko pa kay Wendy ang throw pillow na nahagip ko. Naikwento ko kasi dito ang size ni Eric dahil sa sama ng loob sa ginawang panloloko pero hindi ko naman akalaing pati sila ay lalait dito ng todo.
Ano bang malay ko sa size! Pinalis ko sa isipin ang alaalang iyon. Kinikilabutan ako.
"Tigilan nyo na nga ako at nagtatapos pa ako ng resignation, lalabas pa ako mamaya sa kanto para magpaprint nito ng dalawang kopya." awat ko sa mga ito.
"Siya siya akoy rarampa pa may date kame ni Benz diligan moment namin." tumatawa pang sabi ni Bruce bago pumasok sa silid nito.
Pumasok na rin si Wendy sa silid niya kaya naman naiwan na ako sa sala at inabala ko ang sarili sa pagtatapos ng resignation ko.