Chapter 7

2080 Words
Laura's POV _ _ _ _ _ PAGKAGISING ko ay tinawagan ko kaagad si Bruce at kinuwento dito ang nangyari. Natakot ito para sa akin mabuti na nga lang din at dumating si Seb ng mga oras na iyon dahil hindi ko alam kung ano ang sasapitin ko sa lalaking nambastos sa akin. Pumasok ako ng banyo at naligo. Nang patapos na ako sunod sunod na katakot ang narinig ko. Kaya naman nagmamadali kong sinuot ang roba na nakasabit sa hook. Lumabas ako ng banyo at tinungo ang pinto. Sinilip ko pa ang pinhole upang makita kung sino ang kumakatok. Si Seb at may kasama itong tauhan ng resort. Binuksan ko ang pinto at ngumiti sa kanila. Ang kasama nito ay may dalang food trolley. Ngumiti ako at niluwangan ko ang pinto para sakanila. "I hope we didn't wake you up?" nakangiting sabi ni Seb. "No, ayos lang." nakangiti rin na sagot ko rito. Nakatitig ito sa akin, I gasp nang maalalang naka roba nga lang pala ako. Patay malisya na umakto na lamang ako para di mapahiya. Matapos ilapag ng crew ang mga pagkain sa mesa ay umalis na rin ito. Hinawakan ni Seb ang kamay ko at inalalayan ako na makaupo. "You have to eat, kaya nagpaluto ako ng hapunan." sabi nito habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Bakit tila ba sanay na sanay ito sa ganoon? Ngumiti lang ako at kinuha ang kutsara at tinidor na nasa gilid ng plato. Masasarap ang nakahain sa mesa, may sinigang na tuna, calamares, gulay at lechon belly. Nang mapansin kong walang laman ang plato nito ay ako naman ang naglagay ng pagkain dito. Tumingin ito sa akin habang nilalagyan ko iyon. Ngumit lang ako. "Kumain ka din." sabi ko. Kumain kame nang sabay kahit papano may gana na rin ako. Kanina kasi parang nahihirapan pa akong kumilos. Gusto ko sanang usisain dito ang tungkol sa lalaki kanina ngunit tinikom ko na lamang ang bibig ko. Isa pa ayoko na rin naman maalala iyon. Matapos kumain niligpit ko sa kabilang gilid ang pinagkainan namin mamaya ay babalikan naman iyon ng crew sa resort. May mga tira din kame dahil ang daming pinaluto ni Seb. "Gusto mo ng kape, may instant coffee dito?" alok ko. Umiling ito kaya ako nalang ang nagtimpla ng para saakin. Binuksan nito ang pinto palabas ng balcony ng suit ko kung saan tanaw na tanaw mo ang liwanag mula sa paligid ng Camilla Amore at dagat. Maganda rin ang liwanag ng buwan. Lumabas ito roon at umupo sa upuan na nandoon. "Sure kang ayaw mo ha?" sabi ko at inilapag ang baso ng tinimplang kape ko sa maliit na lamesita. Umupo rin ako sa katabing bakanteng upuan pa. Umiling ito bilang tugon sa sinabi ko. Nakatingin ito saakin kaya medyo naiilang ilang tuloy ako. "Okay ka na ba?" tanong nito, titig na titig sa akin. Bahagya kong inilingon ang mukha ko sa mga ilaw sa dalampasigan bago muling tumingin dito. Nakatitig pa rin ito. "Stop looking at me like that." saway ko, tumawa naman ito. Okay his laugh is also sexy. Napakagat labi tuloy ako sa tinatakbo ng isip ko. Nagulat pa ako ng dinampot nito ang kape na iniinom ko at lumagok doon. Sinamaan ko ito nang tingin. "You make good coffee huh?" kikiligin na sana ako sa papuri niya pero dahil alam nitong 3 in 1 lamang iyon feeling ko iniinis lang o pinapatawa ako nito. Inismiran ko ito kaya tumawa nanaman ito. Nagvibrate ang phone ko kaya inopen ko ito agad na napangiti ako sa nabasa ko baliw talaga si Bruce. Bruce: Sissy glad you are okay. I told you kesa iba pa ang makinabang kay Maria ibigay mo na kay papa Seb. Labyah Nagtype ako ng reply ko. Ako: Muntik na nga akong mapahamak iyang getting laid pa rin? Baliw ka talaga. Bruce: Let the fate do its job nalang. Kung magaganap hayaan mo wag mong tutulan malay mo si papa Seb na pala ang sagot. Natawa na ako. Ako: Nandito siya, baliw ka talaga. I agree I will let the fate nalang. Tsaka alergic ako sa playboy. Sa gwapo neto malamang sangkaterbang sidechicks ang meron to. Bruce: Okay lang sissy atleast gwapo ang sinukuan. Take it as experience nalang. hahahaha Tawa ako nang tawa. "Who's that?" madilim ang mukhang usisa ni Seb. I felt guilty dahil sa pinag uusapan namin ito ay nawala tuloy ako. "Ah, kaibigan ko na binabae." nakangiting sagot ko, hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang sabihin ang kasarian ng kausap ko dito na ayaw kong mag isip ito ng masama. Tumango tango naman ito. Binaba ko ang phone ko, tumayo ako at lumapit sa barandilya ng balcony. "May mga bars ba na malapit lang dito sa hotel?" Tanong ko habang nakatanaw sa ibaba kung saan maraming ilaw. "Why? Do you drink?" sabi nito, Nilingon ko ito at tumango. "Yes, first time ko ngang nakainom noong college ako dahil sa HRM course ko. Pero lately pag may okasyon nalang." sagot ko. Tumayo na ito, tsaka tumabi sa akin at tumanaw din sa ibaba. May itinuro ito. "That's my favorite bar here, The Tikki Bar" tiningnan ko naman ang tinuturo ng daliri nito. "Let's go there!" yaya ko. Kunot noong tiningnan ako nito tila hindi makapaniwalang nagyayaya ako roon. "Iinom ka talaga?" Tumango ako. "Why not? Kaya samahan mo na ako." nakangiting sabi ko. Ngumiti na rin ito. "Then let's go!" pagpayag nito. "Magbibihis lang ako sandali." sabi ko at mabilis na pumasok sa loob. Binuksan ko agad ang cabinet tsaka kinuha ang kaisa isang party dress na pinili ni Bruce. Noong una pa nga ay ayaw kong ipalagay iyon. Dahil hindi naman kako ako papasok sa bar kung meron man. Pero dahil mapilit ito ay hinayaan ko nalang. Pumasok ako sa banyo bitbit ang damit, sandals at make up kit ko. Tiningnan ko ang sarili sa salamin matapos kong maisuot ang damit. Hapit na hapit ito ang haba nito ay halos umabot na sa tuhod ko. Bra shape ang tabas ng gawin dibdib nito kaya naman lumitaw ang magandang hubog na bidbid ko. Sabi nga ni Bruce I should wear more revealing clothes dahil biniyayaan ako ng magandang sukat ng dibdib. Hindi maliit at hindi rin naman ubod ng laki. Manipis ang strap ng dress at may kababaan sa bandang likod kaya mas lalong naexposed ang likod ko. Napangiwi ako pakiramdam ko super revealing ng dress na suot ko kahit normal naman na ganito ang isinusuot ng iba sa mga bars. Hindi naman din ito mahalaw o malaswa. Classy ito kung tutuusin. Marahil naninibago lang ako dahil hindi naman ako nagdadamit ng ganito. Kaya pakiramdam ko parang nag-aanyaya ako. Sinuklay ko ang hangang balikat kong buhok tsaka naglagay ng light make up. Wala akong accessories sa katawan, maliban sa hikaw na suot ko. Nang makuntento sa ayos ay isinuot ko na ang 1 inches na black rin na sandals, ito ang pinili ko dahil natitiyak kong buhanginan naman ang lalakaran namin. "Let's go!" sabi ko nang makalabas ng banyo. Lumingon si Seb saakin, titig na titig ito kaya napangiti ako. "Do you have any other clothes to wear?" bigla ay tanong nito agad na napasibangot ako. Akala ko pa naman nagandahan na ito saakin. Assumera lang pala ako. "Wala!" tipid na sagot ko. Bumuntong hininga ito kaya lalong nadagdagan ang inis ko. "Pangit ba?" tanong ko na hindi inaalis ang tingin dito. Sunod sunod na iling ang ginawa nito. "No, you are actually very beautiful Laura, very beautiful." sagot nito, pero bakit parang taliwas sa reaction nito ang sinasabi nito. Dahil halata pa rin dito na hindi nito nagustuhan ang suot ko. "Magpapalit na lang ako." nakasibangot na sabi ko. Akmang kukuha ako ng maipapalit ng hawakan nito ang kamay ko. "You are beautiful in that dress honey, natitiyak kong tatapunan ka ng lahat ng pangalawang tingin....and..that's what I hate." nakatitig na sabi nito dahil doon bigla ay gustong kumawala ng puso ko sa lakas ng t***k nito. So nagagandahan ito saakin? Hinawakan na nito ang palad ko at sabay kameng naglakad palabas. Nang nasa labas na kame ng suite ko ay nagpaalam ito na may kukuhanin lang sa loob ng suite nito. Dahil sandali lang naman ito kaya hindi na ako sumama sa loob. Nang lumabas ito ay nakasuot na ito ng itim na denim jacket na lalong bumagay sa hapit na v-neck white t-shirt na suot nito. Malapit lamang ang Tikki Bar sa hotel kaya saglit lang naroroon na kame. Sa labas palang rinig mo na ang ingay ng tugtog. Muntik pa akong mapapitlag ng maramdaman ko ang kamay ni Seb sa baywang ko. May kinausap ito habang papasok kame. Pansin ko rin na maraming tumitingin saamin. Bukod pa sa mga bumabati dito, hindi na ako nagtataka regular na guest siguro ito ng Camilla Amore kaya kilalang kilala ito. Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng bar, maraming tao sa loob sa bandang kanang bahagi ay naroon ng dj na siyang nagpapatugtog. May mga lounge chair na pabilog din para siguro ito sa mga grupo na iinom. Modern classy and cozy ang loob nito. Alam mong pang sosyal na bar na angakop din sa pagiging modeen style ng Camilla Amore. Umupo kame sa bandang sulok ng bar kung saan hindi gaanong malakas ang tugtog. Katabi ko si Seb dahil pa curve ang style ng sofa saka may table sa harap namin. Tinawag din agad nito ang waiter at umorder. "Is that okay with you?"bulong nito na ang tinutukoy ay ang mga inorder nito. Hindi agad ako nakasagot dahil naghatid ng kakaiba sa balat ko ang pagkakadampi ng hininga nito sa tenga at leeg ko. May kalakasan kasi ang tugtog kaya kinakailangan nitong bumulong. "Y-yes!" medyo mautal kong sagot. Ilang sandali lang ang inantay namin, dumating na ang inorder nito. Dalawang Manhattan, isang Apple Martini at isang di familliar na inumin. Inabot nito sa akin iyong hindi familiar na drinks, my mint ito sa ibabaw at slice lime. "Try this, this one is one of the best seller cocktail drinks here." nakangiting sabi nito. Kinuha ko naman iyon at uminom. "This is good." nakangiting sabi ko tska muling uminom. Lasang lime iyon na kulay orange, may rum din. "That's Mai Thai." bulong muli nito. Nang maubos namin ang unang set na inoder nito ay muli itong umorder. Sabi nito ay hangang dalawang set lang kame dahil baka malasing daw ako. Ininom ko rin kasi ang Apple Martini. Inabot na kame ng apat na order kaya inaawat na ako nito. "Lasing ka na." seryosong sabi nito. Umiling ako. "I am not." tanggi ko, hindi pa naman talaga ako lasing. "Ikaw yata ang lasing." bulong ko dito tsaka tumawa. Tiningnan ako nito at matagal na tinitigan. Ang gwapo talaga nito, umayos ako ng upo at humarap dito. Itinukod ko rin ang siko ko sa mesa tsaka ipinatong ang ulo ko sa kamay ko. Tinitigan ko rin ito hindi ko alam kung saan ako kumuha ng tapang para makipagtitigan dito. Dala marahil ng ininom ko kaya ang lakas ng loob ko. Kusang umangat ang kamay ko at hinawakan ang tungki ng ilong nito. He has a prominent nose, bumaba ang tingin ko sa rosy lips nito. "Why you got a rosy lips?" tanong ko pa, gumalaw ang adams apple nito. Dinala ko ang daliri ko sa labi nito. Lasing na yata ako. "And....a kissable lips." God! Marahil iniisip nitong nakikipagflirt ako sakanya. "Laura..." mahinang sabi nito. Nakagat ko ang ibabang labi sa paraan ng pagtawag nito sa pangalan ko. Akmang aalisin ko na ang kamay ko at biglang hinawakan nito ang batok ko at siniil ako ng halik. "You are driving me crazy..honey!" anito nang bitiwan sandali ang labi ko tsaka muling siniil ako ng halik. Sa halip na tutulan ko ito ay tinugon ko pa iyon. Hindi ako expert pagdating sa ganoon dahil kahit may mga naging boyfriend pa rin ako ay nagseset ako ng limit. Pero bakit pagdating kay Seb, kusa lahat? Lasing na nga ako siguro! Tinugon ko ang halik nito sa paraang alam ko, dahil doon lumalim lalo ang halik nito sa akin. Umungol ako ng bahagyang pisilin ng kamay nito ang baywang ko. Na kanina pa humahagod sa likuran ko. Damn pakiramdam ko nalulunod ako sa sensasyon ipinadarama nito. "Damn, let's get out of here!" mura nito ng bitiwan muli ang mga labi ko. Tumayo ito at inalalayan akong makatayo rin muntik pa akong matumba dahil sa biglang pagtayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD