Chapter 9

2590 Words
Laura's POV _ _ _ _ _ BUMABA ako ng sasakyan ni Sebastian or Seb. Hindi ko na inusisa kung paano nito nalaman ang eksaktong address ko inisip kong baka nagtanong ito sa Camila Amore kung saan naroroon ang infos ko as check in guest dahil kanina pa kame hindi nagkikibuan. Pagabi na rin kameng nakarating sa apartment ko dahil sa sobrang traffic. Binaba nito ang bag at binuhat papasok sa loob. "Ay may pogi!" narinig ko pang matinis na sabi ni Bruce. Nauna kasi sakin pumasok si Sebastian bitbit ang maleta ko. "Good evening!" bati nito kay Bruce. "Teka teka, Sir Del Prado?" hindi makapaniwalang tanong ni Bruce. Tumango naman si Sebastian dito. Kaya lalong kinilig ang isa. "Ay bongga sissy." makahungang wika nito at tiningnan ako na parang alam ko na kung ano ang mga tingin nitong ibinigay saakin. Pinanlakihan ko siya ng mata dahil doon, bumungisngis lang ito. Lumingon sakin si Sebastian. "I'll go ahead." sabi nito. Siniko ako ni Bruce hindi ko alam kung anong gusto nitong mangyari. "Ay Sir Del Prado, dito nalang po kayo maghapunan tutal gabi na rin naman." todo ngiting paanyaya pa ni Bruce dito. Pinandilatan ko ito ng mata. Inismiran lang ako ng lula. "Sige na po Sir first time po kasi na magkabisita kame ng gwapo, palagi po kasing ulikba ang napunta dito." pakwela pang sabi nito na ngumit ng ubod pang tamis. Tumingin sakin si Sebastian na tila ba inaantay ang permiso ko. "Dito ka na magdinner." sabi ko, bigla ay umaliwalas ang kanina pang malungkot na mga mata nito. Pumalakpak pa si Bruce. "Ay bongga! Upo ka po Sir." sabi pa nito kay Seb. Pumasok ako ng kwarto at iniwan ang mga ito. Wala si Wendy malamang ay naka night duty sa CH&R. Naghilamos ako sandali tsaka nagpalit ng maluwang na T-Shirt at short bago lumabas. Hindi ko na nilingon pa sina Sebastian at Bruce na magkakwentuhan sa sala. Panay ang hagikgik ni Bruce, may papisil pisil pa sa braso ni Seb itong nalalaman. Napailing iling nalang ako. Nagcheck ako ng pwedeng lutuin nang mabilis dahil pritong isda lang ang luto na at pang isang tao lang since hindi inaasahan ni Bruce na may kasama ako pag-uwi. Kinuha ko ang baboy at inunfroze sa microwave oven. Magluluto na lamang ako ng adobo. Naghiwa muna ako ng sangkap na gagamitin ko, nang maunfroze ang karne ay hinugasan ko ito tska binabad sa toyo at kalamansi. Ginisa ko na ang bawang, sibuyas at kamatis tska ko nilagay ang karne na binabad, nang magisa ko ay tsaka ko nilagay ang pinagbabaran ng karne hangang kumulo. Dinagdagan ko din ito ng tubig tsaka paminta bago tinakpan. Nagsalang na rin ako ng sinaing sa rice cooker bago ako lumabas ng kusina. "Gusto mo ng juice or kape?" tanong ko kay Sebastian. Umiling ito. "Bakit parang may LQ kayo?" walang prenong tanong ni Bruce na muntik ko pang ikasamid. "Ay bago yan hindi pa magjowa pero may LQ agad." dagdag pa nito, bigla ay parang gusto kong lagyan ng ducktape ang bibig ni Bruce. Hindi rin ito makuha sa tingin kapag sinasamaan ko ito ng tingin ay lalo itong nag-eenjoy na manukso. "Kiss and make up na sissy!" sabi nito sabay kindat pa kay Seb, ngumiti naman ang mokong. Inirapan ko si Bruce bago bumalik sa kusina para icheck ang niluluto ko. Doon na lamang siguro ako hangang maluto ang adobo. Pakiramdam ko ay bibitayin ako dahil kay Bruce. "Hey!" nagulat pa ako ng biglang magsalita si Seb sa likuran ko, sumunod pala ito. "Gutom ka na ba?" tanong ko rito. Umiling ito. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan ng pasukan sa dirty kitchen namin. I am being civilized bilang hinatid ako nito pauwi might as well na pakainin ko muna ito ng hapunan bago pauwiin. Huling pagkikita na rin naman namin ito. "I just want to say sorry kung hindi ko maamin agad sayo kung sino ako..." panimula nito nilingon ko lang ito, "Naunahan kasi ako ng hiya lalo na nang banggitin mo na playboy ako, kaya hindi ko na nagawang magpakilala." patuloy nito, part of me ay nauunawaan naman ito marahil nga ay hindi nito ginusto na hindi magpakilala dala lamang ng sitwasyon na naunang nanabas ang dila ko tungkol kay Sebastian kaya naumid na ang dila nito. "Kalimutan mo na iyon, isa pa what happened there ay doon nalang din iyon." dumilim ang mukha nito na tila hindi nagustuhan ang huling sinabi ko, gusto ko lang naman na malinaw dito na kung ano man ang nangyari saamin sa Camilla Amore ay mananatili na lamang doon. Na isa lamang iyon one night stand, we were both adults and that's normal na sa generation ngayon. Luto na ang kanin na isinalang ko sa rice cooker kaya naman pinatay ko na iyon. Nagtimpla ako ng juice tsaka nilagyan ng yelo. Hindi ko alam kung umiinom ito ng instant pero bahala na ito. "Kumakain ka naman siguro ng adobo?" pag iiba na tanong ko, parang biglang nagkapader sa pagitan namin. Hindi ko alam kung ako ba ang nagtayo niyon. Samantalang kagabi halos mabaliw kame sa isa't isa. Nakagat ko ang ibabang lagi sa biglang pagpasok sa isip ko ng eksena namin kagabi. Pinaupo ko ito sa mesa, mantel lamang iyong cover ng mesa namin kaya pagtyagaan na nito dahil wala kameng magandang dining. Nilagyan ko ang plato nito ng kanin at ulam. Sinalinan ko rin ang baso nito ng juice. Sumubo ito, tsaka tumingin saakin at ngumiti. "Best adobo." puri pa nito, kung naiba iba lang ang sitwasyon baka sagad sa buto na ang kilig na nararamdaman ko. "You cook so well." dagdag pa nito. Hindi ako umimik at pinagpatuloy na lamang ang pagkain. Matapos kumain at nagpalit ako ng damit pambahay. Malaking T-shirt iyon at short, paglabas ko ng silid ay nakatayo na si Seb at nakatingin saakin. "I'll go ahead." nakangiting sabi nito. "Thanks." tipid na sabi ko, humakbang ito papalapit saakin at walang sabi sabing hinapit ako at mabilis na siniil ng halik. "The moment you gave yourself to me, you are already mine honey. So whether you like it or not, you are mine." anito matapos bitiwan ang labi ko, sasagot sana ako ngunit muli nitong siniil ang labi ko, nang bitiwan at humakbang na ito palabas ng bahay. Napatulala nalang ako at nanghihinang umupo. "I bet he's a damn good kisser, jusme aatakihin ako sa kilig beshy." muntik pa akong mapatalon sa gulat ng biglang magsalita si Bruce. Nakita nito ang ginawa ni Sebastian. Nagkamali yata ako ng sinukuan ng p********e. Mariin kong ipinikit ang mga mata. "Kung ako sayo i-grab mo na iyan imagine he's a Del Prado a well-known clan sa bansa beshy.." kilig na kilig pa sa sabi ni Bruce. "Iyon na nga at sa tingin mo ang gaya niya na mayaman, na ubod ng yaman seseryosohin ako? Ikaw na rin ang nagsabi playboy ang isang iyon." lalo yata akong magkakamigrine, hindi ang tipo ni Sebastian ang magseseryoso sa isang gaya ko, maraming nalink dito base sa google search ng hanapin ko ito. He's known as a womanizer, may mga modelo even artista ang nakarelasyon nito at wala ako ni isa man sa kalingkingan noon. Bukod sa nagmula ako sa mahirap, di hamak na empleyado lang ako ng kumpanya ng kaibigan niya. Ngayon ay resigned na at jobless na. "Wala naman masama kung susubukan mo, malay mo prince charming mo pala siya diba?" I sighed. "There is no fairytale in our world." malungkot na sabi ko, attracted ako kay Sebastian pero hangang doon lang nadala na ako. I am still mending my heart sa panloloko saakin, hindi naman para kumuha pa uli ako ng batong totodas pa lalo saakin. "Ang saakin lang walang masamang pumunta sa mundo niya, let the fate do its job, if kayo then go for it. Tadhana na rin ang nagdala sa inyo pareho sa Camilla Amore." sabi nito, will I allow fate to do its job? Hindi ko alam, basta natatakot ako sa posibleng mangyari. Kaya hangat't maaga pa iwasan ko na kasi alam ko na ang kahihinatnan kapag hinayaan ko ang sarili na mapalapit sakanya. Sa ngayon ang pag-uwi sa Laguna ang iisipin ko muna, ang paghahanap ng bagong trabaho. Iniisip ko rin ang magapply sa ibang bansa para sa pantustos sa pag-aaral ng nakababata kong kapatid, sa susunod na pasukan ay college na ito kaya kailangan kong mag-ipon. . . . . PASADO tanghalian na ng magising ako napuyat ako dahil sa pag iisip kay Sebastian. Ang naganap sa amin sa Camilla Amore, pati ang halik nito ay pakiramdam ko ramdam na ramdam pa rin ng labi ko. Ang haplos nito sa katawan ko, nag init muli ang pisngi ko ng maalala ang ginawa namin doon hindi lamang dalawang beses iyon kung hindi higit pa roon. Bumaba ako sa kama at halos sabunutan ang sarili. Kung nalaman ko lang agad na si Sebastian Del Prado iyon nunca na ialay ko ang sarili ko doon at iyon ang bigyan ko ng p********e ko. Kinagat ko ang ibabang labi sa labis na frustration. Lumabas ako bitbit ang damit na pampaligo ko na wala pa rin sa sarili. Tuloy tuloy akong pumasok sa banyo na ito pa rin ang nasa isip ko muli nanaman nanumbalik sa isip ko ang intimate moment namin. Agad agad kong binuksan ang shower upang mahimasmasan. Ang malamig na tubig mula sa shower ang pumatay sa init na naramdaman ko ng maalala ang ginawa namin sa Camilla Amore. "Nagiging mahalay na pati isip mo Laura!" sita ko sa sarili. Matapos maligo ay nagbihis na ako at lumabas ng banyo habang tinutuyo ang basang buhok ko. Muntik pa akong mapatalon sa gulat ng ang nakangiting si Sebastian ang mabungaran ko nakaupo ito sa sofa. "Sinong nagpapasok sayo?" takang tanong ko. "Ako....kanina pa siya dyan noong tulog ka pa." sabat ni Wendy na nasa lamesa at naghahain ng pananghalian. "Kanina ka pa?" kunot noong tanong ko ibig sabihin nakita na niya akong lumabas kanina at pumasok ng banyo? Halos matapik ko ang noo, masyado akong naokupa ng pag iisip ko dito. Tumango ito. Hindi ko tuloy maihakbang ang paa ko palapit dito. Gusto ko sanang tanungin ito kung bakit ito uli nandito pero naumid ang dila ko dahil sa titig niya. "Kumain na tayo, masarap itong dalang pananghalian ni Sebastian." yaya ni Wendy, nagbawi ako ng tingin dito at nilingon si Wendy. Sinilip ko ang nakahain sa mesa, may isang buong manok, gulay, beef at kung ano ano pa sa dami ay tiyak na hangang sa susunod na araw ay may kakainin pa kame. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Halika na." yaya ko rito. Ngumiti ito at tumayo. Naramdaman ko pa ang palad nito sa likod ko ng magpanabay kame ng punta sa lamesa. Ipinaghila pa ako nito ng silya at tumabi saakin. Gusto kong mailang sa ikinikilos niya. Sa pagkakaalam ko ang mga gaya nitong playboy at mayaman ay ayos lang dito ang one night stand. f**k and go sabi nga ng iba. Nagsandok ako ng kanin sa plato ko nilagyan ko na rin ang plato niya dahil magkatabi lang din naman kame. Muntik pa akong mapasinghap ng maramdaman ko ang mainit na palad nito na humaplos sa hita ko. "Bakit?" kunot noong tanong ni Wendy saakin. "Huh?" "Para ka kasing nagulat." Napalunok ako ng patuloy sa paghimas sa hita ko ang kamay ni Seb. "Wala..." sagot ko nalang kay Wendy. Gusto kong alisin ang kamay ni Seb sa hita ko, nilingon ko ito at nakangisi lang saakin. Ngalingaling bigwasan ko ang nakakalokong ngisi nito. Anong palagay nito komo may nangyari saamin ayos na saking hawak hawak niya anytime? Tahimik kaming kumain ng tanghalian na tatlo. Matapos kumain ay ako na ang nagpresinta na maghuhugas ng pinagkainan. Si Sebastian naman ay nanatiling nakaupo sa hapagkainan. Si Wendy ay pumasok na sa kwarto at natulog dahil pang gabi ang pasok nito. "Wala ka bang pasok?" tanong kong hindi siya nililingon at nakafocus lang sa paghuhugas. "I have a meeting later this afternoon." sagot nito, humarap ako dito at tiim itong nakamasid saakin. Nakagat ko ang ibabang labi sa uri ng tingin nito. Hindi ako sumagot at muli ko siyang tinalikuran. Humugot muna ako muli ng malalim na hininga bago humarap uli dito. "Can....you stop going here?" sabi ko, gusto kong ipahatid dito na kung ano man ang nangyari sa Batangas ay doon nalang iyon. Nagulat ito sa sinabi ko at napaawang ang mga labi. "Why?" tanong nito nang makabawi. Nakatitig ito sa mga mata ko na tila ba hinahanap doon ang sagot sa tanong nito. Kinagat ko ang ibabang labi. "Why?...Seb kung ano man ang nangyari saatin sa Batangas forget it, hindi mo kailangan puntahan ako o bisitahin." direktang sabi ko na, ayoko talagang bigyan ang sarili kong mapalapit pa dito. Ayokong mas magkakilanlan kame o lumawak pa ang kung ano mang namagitan saamin sa Batangas. Itinanim ko sa isip kong isa lamang one night stand iyon. Hindi dapat ganito na kailangan magkakilanlan pa kame lalo at puntahan pa ako. Dumilim ang tinging ipinukol nito saakin. Tumayo ito at lumapit saakin. "I took your virginity Laura..." mariing wika nito na tila ba napakalaking bagay ito dito. Kung hindi ko nalalaman sa iba na playboy ito baka paniwalaan kong concern talaga ito na ito ang unang nakauna saakin at mahalaga iyon dito. Sa daming taong nagsasabi even ang mga business column na nabasa ko tungkol dito ay marami itong ibinanderang babae na natitiyak na ikinama rin nito. "And. .so?" sagot ko, biglang hinigit nito ang braso ko tila hindi makapaniwala sa sinasabi ko. Narinig ko pa ang pagtunog ng nangangalit nitong bagang. "I can't believe it! I took your virginity at balewala lang iyon sayo?" hindi makapaniwalang bulalas nito, Nag iwas ang ng tingin dahil sa nakapapasong tingin nito saakin. Inalis ko rin ang kamay nitong nakahawak sa braso ko at lumayo dito. "Dapat nga matuwa ka na hindi ako naghahabol kahit ikaw ang nakauna." naiinis na sagot ko, bakit ba sa dating pa ng inaasta nito ay parang ito pa ang naaragabyado. Hindi ba dapat mas matuwa ito na hindi ako kagaya ng ibang babae na maghahabol sakanya? O baka naman dahil gusto pa nitong maikama pa ako ulit kaya nagagalit ito. O mas gusto marahil nito na ito ang tumatanggi at nagtataboy ng babae kesa babae ang nagtaboy dito? Mariin akong pumikit dahil sa samut saring isipin na pumapasok saakin. "If you think I will let you get away from me then you are wrong Laura, the moment you gave yourself to me I swear in heaven and in hell akin ka na!" laglag ang panga kong napatingin dito dahil sa binitiwan nitong salita, inilang hakbang nito ang pagitan namin at mabilis na hinapit ako sa baywang. Napasinghap ako ng bigla ako nitong halikan. Mapagparusa ang halik na iginawad nito at pilit na ibinubuka ang mga labi ko, nang hapitin ako nito ng mas mahigpit ay muli akong napasinghap kaya naman naipasok nito ang dila sa loob ko. At ang lintek na katawan ko ay bigla akong tinatraydor, unti unting naging mabagal ang paraan ng paghalik nito, tinutudyo ang labi ko dahil doon ay kusang tumugon ako sa halik na iginagawad nito. Lumalim ang halikan namin. Ang isang kamay nito ay humahagod na sa likod ko pababa sa pwet ko. Napaungol ako ng pisilin nito ang pang upo ko. Tumigil ito sa ginagawa at pinagmasdan ako. "You like me too Laura....don't deny it." deklara nito, bigla at pinamulahan ako ng mukha sa sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD