"Zeus!" "Mr. Zeus, oh my God!" "Zues! Why did you do that to him?! What did he do wrong to you?!" Sunod-sunod ang pagtawag ni Apollo, Tiffany, at ang ina ni Apollo kay Zeus nang humandusay ito sa sahig. Umiiyak na nilapitan siya ng kaniyang ina. May malay pa naman ito, pero dumudugo na ang kaniyang labi. Tinamaan siya sa bandang tagiliran niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Naguguluhan ako ngayon kung bakit niya biglang binaril si Zeus sa harap namin. Umiyak din si Shaicy saka niya binitawan ang baril na hawak niya. Nanginginig ang kaniyang mga kamay. Hindi ako makapaniwala na nakasaksi ako ngayon ng ganoong pangyayari. Sobra akong nagulantang. Lumayo naman si Mom at Dad kay Zeus at lumapit sa akin. Niyakap ko naman agad si Mommy. Sobra ang takot ko dahil inakala kong siya ang

