Kabanata 28 NANLALAMBOT ang tuhod kong napaluhod sa damuhan. I can't take it. Masyado akong nabigla sa aking natuklasan. The stone in my body is still glowing. Napapikit ako ng mariin at tuluyan ng napaupo sa damuhan. Nanghihina ako. Sobra akong nanghihina. Para bang may kung anong humihigop ng aking enerhiya. Nagsisimula na din manlabo ang aking paningin. Kung hindi ko natuklasan ang bagay na iyon ay sigurado akong manlalaban parin ako sa aking ulirat hanggang tumigil si Lithia sa pagtangkang paglabas sa aking katawan pero hindi ko magawa. Puno ng awa ang aking kalooban. Awa para kay Lithia. Hindi ko magawang labanan ang gusto niya. Matapos kong malaman na siya ang 'The Absolute', ang babaeng tinitingala ng lahat noon at ang babaeng... "Faneya!" sigaw ni Lithia sa akin. Alam ko na al

