Kabanata 6 PADAMI na ng padami ang tao sa loob ng malawak na lugar na ito. May mga tao na rin sa entablado na may magagarang kasuotan. Marahil ay kabilang sa Manhara o Maharlika. "Narnia, bakit hindi mo sinabi sa akin na ang pagpapalistang iyon ay tungkol sa pagsusulit sa Akademia?" tumaas ang tono ng boses ko. Naiinis ako dahil hindi ko manlang alam ang ginagawa ko. I'm so stupid. Fvck. "Hindi ba dito ang sadya mo? Hindi ka naman nagtanong kaya akala ko alam mo na" inosenteng sagot nito kaya naman napasabunot nalang ako sa aking buhok. Ugh. Ayoko ngang nag-aaral. Hindi nga ako nakikinig sa klase tapos malalaman ko nalang na nagpalista ako sa pagsusulit ngayon. Walang sabi-sabi na tinalikuran ko si Narnia. Kailangan ko ng makaalis sa lugar na ito bago pa man magsimula. Wala akong bal

