Kabanata 4
Pangatlong Persona
SA loob ng isang malaking silid ay nag-aaral ng kasaysayan ng Entasia ang mga mag-aaral. Inilibot ng tagapagturo ang kaniyang paningin sa loob ng malaking silid. Magkakahiwalay ang upuan ng mag-aaral at malayo sa bawat isa.
Kumunot agad ang noo ng tagapagturo sa kasaysayan. Inihampas niya ang hawak niyang tungkod sa lamesang nasa harapan niya. Agad nagsi-ayos ng upo ang mga mag-aaral sa loob ng silid.
"Nasaan na naman ang kaibigan niyo Brino?" tanong ng matandang lalaki sa kaniyang estudyante habang nakaturo ang kaniyang tungkod sa bakanteng upuan sa kanang bahagi ni Brino.
"Aba ewan ko" pabalang nitong sagot kaya naman nakatanggap siya agad ng parusa. Nanginig ang buong katawan niya na mukhang nakukuryente. Tumigil lang sa panginginig ang kaniyang katawan ng ibinaba ng tagapagturo ang kaniyang tungkod.
"Hindi kana mabiro Moris" mapilyong ngisi ni Brino sa kanilang tagapagturo.
"Malamang ay nakikipaglaro na naman si Zernon sa kaniyang alagang si Sirin" patay malisyang wika ni Brino.
Napabuga nalamang si Moris ng hangin dahil sa kaniyang pasaway na estudyante. Ngumisi naman si Kiro na isa pang kaibigan ni Zernon.
Alam naman nilang hilig ng lalaki ang maggala sa iba pang kontinente. Hindi na nga ito kadalasang pumapasok sa klase at umuuwi lang sa Akademia kapag matutulog at kakain lang. Alam nilang ang kaibigan nilang si Zernon ay walang pake sa kahit na ano at sanay na sila sa ugali nito. Kahit bawal lumabas sa Akademia ay hindi ito sinusunod ni Zernon at ang gusto nito ang laging nasusunod.
"Sa tingin mo? Saan dinala ni Sirin si Zernon?" inakbayan ni Brino si Kiro habang sila ay naglalakad sa kahabaan ng hallway. Patungo sila sa cafeteria upang kumain.
"Hindi ko alam. Iba rin ang takbo ng utak ng ibon na iyon" usal ni Kiro. Napapaisip din siya kung saan na naman dadalhin ni Sirin ang amo nitong si Zernon. Nung huling alis ni Zernon ay natagpuan nalang nilang dalawa sa Kontinente ng Landyos si Zernon na pinagkakaguluhan ng babae habang walang malay sa gitna ng bayan dahil hinulog ito ng kaniyang ibon na si Sirin.
"Nandyan na naman siya" Bulong ni Kiro sa katabing si Brino. Pagtukoy nito sa babaeng naglalakad patungo sa kanilang dalawa. Nakahalukipkip ito ay nagtataray na naman ang mukha.
Tumigil sa paglalakad si Brino at Kiro dahil humarang sa daan nila ang babae.
"Ano na namang kailangan mo Lory?" tanong ni Brino na para bang sawang-sawa na siya sa pagmumukha ng babaeng kaharap.
Tumaas ang kilay ng babae at sumilip sa likuran nila na para bang may tinatago ang dalawa. Kumunot ang noo ng babae dahil wala ang lalaking hinahanap niya.
"Nasaan si Zernon?" maarteng tanong ni Lory sa dalawa. Bumuntong hininga ng sabay ang dalawa. Alam na nilang iyon ang itatanong ng babae.
"Hindi rin namin alam" tinatamad na wika ni Kiro. Lalagpasan na sana nila ang babae ng magsalitang muli ito.
"Siguraduhin niyo lang na hindi niyo talaga alam" nagbabantang pahayag ni Lory. Hindi nalang ito pinansin ng dalawang binata dahil sanay na ang mga ito sa babae. Patay na patay ito sa kaibigan nilang si Zernon.
Sa kabilang banda, ay mabilis na lumilipad sa himpapawid ang isang malaking ibon habang ang binatang si Zernon naman ay nakaupo sa likod nito na halatang sanay na sanay na sa pagpapalipad sa ibon.
"Subukan mong ihulog muli ako at sinasabi ko. Iihawin kitang ibon ka" pagbabanta ni Zernon sa kaniyang alagang ibon na si Sirin. Hindi nagsalita ang ibon at mas tinulingan pa ang lipad.
Kitang-kita mula sa taas ang iba't ibang bahagi ng kontinente. Tanaw na tanaw ng binata ang kabuuan ng Akademia'ng kinabibilangan niya. Napangisi nalang ang lalaki dahil alam niyang sa mga oras na iyon ay hinahanap na siya ng ilang mga tagapagturo. Ilang beses na din siyang tumakas kaya naman kapag nahuli siya ay paniguradong papatawan siya ng mabigat na parusa.
Nagawi ang ibon sa Kontinente ng Akwaryos. Bumaba ang lipad nito ngunit hindi pa rin siya pansin ng mga tao sa baba dahil abala sila sa kani-kanilang ginagawa.
Nagawi ang tingin ng binata sa dalawang tao. Isang babae at isang batang lalaki na hila-hila ang kariton patungong bayan. Bumaba pa ang lipad ni Sirin kaya naman nasilayan ni Zernon ang mukha ng babae. Agad siyang napasinghap.
Hindi niya akalain na ang isang Minhana'ng babaeng nakikita niya ay nagtataglay ng kakaibang kagandahan. Lahat ng nadadaanan niyang lalaki at maging babae ay napapatitig sa kaniyang kagandahang taglay. Sobrang itim ng buhok nito na hanggang bewang ang haba. Matangos ang ilong nito at mapupula ang labi. Ang mga mata ng babae ay kulay itim na maihahambing sa kadiliman ng gabi. Angat din ang mala porselanang balat ng dalaga kahit balot na balot ito ng kasuutan ng isang Minhana.
"Sirin sundan mo ang babaeng iyon"
Pagtukoy ni Zernon sa babaeng may maladyosang kagandahan. Hindi niya talaga mawari kung isa ba talagang Minhana ang babaeng iyon o hindi.
Nakita ni Zernon na tumigil ito sa isang tabi at inayos ng batang kasama nito ang kanilang paninda. Hindi man niya marinig ang sinasabi ng dalaga sa bata dahil maingay sa bayan at may kalayuan sila ay hindi niya maiwasang mapangisi. Napapatitig nalang ito sa bawat paggalaw ng labi ng dalaga.
Napasinghal si Zernon ng mapansin niyang hindi lang siya ang nakatitig sa babae. Lahat ng kalalakihan na napadaan ay napapatigil upang pagmasdan ang babae. Hindi namalayan ni Zernon na may lalaki na itong kausap.
Nang ibalik ni Zernon ang kaniyang paningin sa babae ay kumunot ang noo niya dahil sa lalaking mukhang naglakas ng loob na lapitan ito. Walang emosyon ang mababakas sa mukha ng dalaga kaya naman hindi niya malaman ang nasa isip ng babae.
'Should I read her mind?' tanong nito sa kaniyang isipan dahil may abilidad siyang basahin ang nasa isipan ng isang tao. Minsan naman ay naririnig naman niya ang iniisip ng mga tao kahit hindi niya gustuhin bukod doon ay may abilidad din siyang teleportation, at tumakbo ng mabilis at may kakaiba din siyang lakas at dahil isa siyang maharlika ay iba ang lakas ng kaniyang kakayahan.
Hindi man alam ni Zernon ang pinaguusapan ng babaeng sinusundan niya at ng lalaki ay nakakasiguro siyang hindi ito maganda. Nakita niyang balak sanang hawakan ng lalaki ang braso ng babae ng mabilis itong nakaiwas. Para bang alam na niya ang gagawin ng lalaki.
Napangisi ulit si Zernon. Hindi lang ito maganda. Matalas din ang pakiramdam nito. Habang pinapanood ang babae ay nagulat nalang si Zernon ng may tubig na tila tali ang pumulupot sa lalaki. Alam niyang ang babae ang may gawa nito. Napatitig siya sa tubig na nilabas ng babae. Kumikinang ito at hindi pangkaraniwan.
Nang tumakbo ang babae ay agad niyang sinabihan si Sirin na sundan ito. Halatang naliligaw ang babae dahil hindi alam kung saan tutungo. Patuloy lang sa pagtakbo ang babae ng nakalabas na ito ng bayan ng hindi niya namamalayan.
Alam ni Zernon ang tawag sa gubat na pinasukan ng babae. Iyon ay ang gubat ng Pelino at sa gitna nito ay matatagpuan ang sagradong lawa ng Ophelia.
Tumigil sa paglipad ang ibon dahil tumigil ang babae sa gilid ng lawa. Nagpalinga-linga ito na tila may hinahanap. Napangisi muli ang binata ng makita ang paghawak ng babae sa lawa.
"Ano kayang pangalan niya?" wala sa sariling tanong ni Zernon. Gumewang-gewang naman ang ibon kaya naman alam na niya kung anong susunod na gagawin ng ibon kaya mahigpit siyang kumapit sa tali ng ibon upang maiwasang mahulog.
Hindi naman tumigil ang malaking ibon na si Sirin sa kaniyang ginagawa na para banh guston-gusto na mahulog ang lalaki.
"Ano ba Sirin? Iihawin talaga kita" Asar na wika ng lalaki. Tuwing kasama si Sirin niya lang nailalabas ang kaniyang totoong ugali. Kilala si Zernon sa loob ng Akademia na suplado, tahimik at walang pake sa kahit na anong bagay. Ganon naman talaga ang kaniyang ugali. Malimit din itong wala sa klase at madalas ay hindi makikita sa kahit na anong sulok ng Akademia. Bata pa lang si Zernon ay kasama na niya ang malaking ibon na alaga niya kaya naman nailalabas niya ang lahat ng klaseng ugali na mayroon siya.
Wala na siyang nagawa ng umikot ang ibon at nalaglag na siya ng tuluyan. Alam na niya ang babagsakan niya. Napapikit nalang siya ng mabilis na bumulusok pababa ang kaniyang katawan.
Humampas ang katawan niya sa tubig ng lawa ng Ophelia. Guminhawa ang kaniyang pakiramdam. Alam niyang ang tubih ng Ophelia ay nakakatulong upang mapakalma ang isang tao.
Dahil sa biglaang pagbagsak ay nakalunok agad siya ng madaming tubig. Kahit inaasahan na niya ang pagbagsak ay nakalunok pa rin siya ng tubig. Unti-unti siyang hinihigit ng kadiliman. Mula sa ilalim ng malinaw na lawa ay tanaw niya ang nakadungaw na babae mula sa itaas.
Tuluyan na siyang nawalan ng malay kaya naman hindi na niya alam kung anong nangyari.
Nagising ang binata habang naglalabas ng maraming tubig sa kaniyang bibig. Madami siyang nalunok kaya naman natagalan siya sa pag-ubo. Nang imulat niya ang kaniyang mata. Kumunot ang noo niya ng makitang walang kahit na sino. Inaasahan niyang may bubungad na mukha ng babae sa kaniya. Kung ganon ay sinong tumulong sa kaniya?
Umupo siya sa damuhan at inilibot ang kaniyang paningin. Tumingala sa at naiinis na nagbaling ng tingin sa mga naglalakad patungo sa kaniya.
"What are you doing here?" tanong ng binata sa kaniyang dalawang kaibigan na sinusuri ang kalagayan niya.
"Paparusahan ka ng Akademia sa ginawa mong pagtakas. Hindi iyon magandang tingnan sa isang prinsipe na gaya mo Zernon" seryosong usal ni Kiro. Hindi naman nagsalita si Zernon at seryoso lang na nakatingin sa lawa.
"Hindi kana nasanay Kiro. Alam mo naman na napakaspoiled brat ng lalaking yan. Prinsipe kasi ng Pyros kaya ganyan yan" Nakangising usal ni Brino. Ang pinakamaloko sa tatlo.
"Shut up" usal ni Zernon sa mag pinsang si Kiro at Brino na anak ng Ministro sa kontinente ng Pyros.
Umiiling naman na tinulungan na tumayo ni Kiro si Zernon. Simula pagkabata ay sila ng tatlo ang magkakasama. Ngunit kahit ganon ay mailap ang ugali ni Zernon sa dalawa. Hindi katulad ng pakikitungo nito sa kaniyang alagang ibon na si Sirin.
"Mabuti at sa lawa ka nahulog ngayon. Hindi ko alam kung ilan ba ang buhay na meron ka. Hindi ka na nadala kay Sirin na lagi kang hinuhulog kapag trip niya" hindi alam ni Brino kung matatawa ba siya sa ugali ng ibon o hindi. Lagi nalang kasing nalalagay sa panganib ang buhay ni Zernon dahil laging hinuhulog ng ibon sa mataas na lugar.
"Hindi ko talaga makakalimutan yung isang beses na pinagkaguluhan ang isang Zernon ng mga babae habang tulog. Kung hindi pa kami nakadating agad ni Kiro malamang narape ka ng lalaki ka" natatawang usal ni Brino habang inaalala ang nangyari sa Landyos.
"Ang hindi ko naman malilimutan ay ng muntikan ng kainin ng nagwawalang Cerberus si Zernon. Loko talaga yang si Sirin" nakangising usal ni Kiro. Napairap naman si Zernon sa usapan ng dalawa na tila ba wala siya sa lugar na iyon.
"Buti hindi ka nalunod"
Dahil sa tanong na iyon ni Brino ay agad naalala ni Zernon ang babaeng sinundan niya sa gubat. Hindi siya sigurado kung siya ba ang nagligtas dito o ibang tao. Kung ibang tao yon ay walang konsensya ang babaeng iyon. Tandang-tanda ni Zernon ang mukha ng babaeng iyon dahil malabong makalimutan niya ang ganong kagandang mukha. Kahit ang mga babae sa Akademia ay hindi maiihambing sa kagandahang taglay ng babaeng iyon.
"May sa pusa ka ata Zernon" nakangising usal ni Kiro. Umiling naman si Zernon na hindi nakikisali sa biruan ng kaniyang matatalik na kaibigan.
Kung hindi lang nila kilala si Zernon ay baka naibalibag na ng dalawa ang lalaking kaharap. Hindi man lang kasi sila pinagtutuunan ng pansin ng lalaki. Para bang masamang hangin sila na kailangan layuan.
Pagbalik nila sa Akademia ay agad bumungad sa tarangkahan ng Akademia ang Punong Mahestrado na siyang nagmumuno sa buong Akademia. Ito ay isang dugong bughaw dahil kamag-anak ng Punong Mahestrado ang dating Emperador ng Entasia.
"s**t" mura ni Brino dahil sa mga oras na ito ay alam na niyang madadamay siya sa kaparusahan na igagawad kay Zernon.
"Magandang hapon" seryosong bati ng Punong Mahestrado sa kanilang tatlo. Alam nilang hindi na biro ang patutunguhan nila dahil ang Punong Mahestrado na ang humarap sa kanila.
Kung may tao mang kinatatakutan ang estudyante ng Entasia Akademia ay wala ng iba kundi ang Punong Mahestrado. Maging si Brino at Kiro ay hindi maipagkakailang takot sila sa matandang kaharap.
"Magandang hapon" gamit ang malalim na boses na usal ni Zernon na hindi naapektuhan sa nakakatakot na Punong Mahestrado.
"Dahil sa paglabag sa kautusan ng Akademia. Bibigyan kayo ng karampatang kaparusahan" walang mababakas na emosyon na nakipagtitigan si Zernon sa Punong Mahestrado.
"Ang malaking ibon na Sirin ay ikukulong sa dungeon sa loob ng dalawang buwan. Ang tatlong kalalakihan na lumabag sa kautusan ng Akademia ay hindi maaring lumabas sa kanilang dormitoryo ng dalawang linggo"
Nawala na parang bula ang Punong Mahestrado sa harapan nila. May mga kawal na pumalibot sa tatlo at dinala sila sa dormitoryo. Huminga ng malalim si Zernon sa pagpipigil ng inis dahil sa magiging kaparusahan para sa kaniyang alagang ibon.
Ang dormitoryo ng Maharlika ay nakahiwalay sa ordinaryong dormitoryo. Isa iyong malaking kastilyo at tig-iisa ng kwarto ang bawat Maharlika. Kahit sabihin ng mga tagapagturo na pantay-pantay sila sa loob ng Akademia ay hindi maiiwasan ang alitan.
Nang makapasok sa Dormitoryo ang tatlo ay agad napatingin ang iba pang Maharlika. Kasama na ang mga prinsesa at prinsepe ng tatlong kontinente at ang anak ng mga Ministro.
Hindi naman mawala-wala sa isipan ni Zernon ang babaeng walang katumabas ang kagandahan. Iniisip pa rin niya kung siya ba ang nagligtas dito o ibang tao.
'If she's the one who saved me, I'll definitely return the favor'
Itutuloy...