Kabanata 22 Punong Mahestrado "WALA ka bang ideya sa kung anong nangyari sa kaniya?" tanong ko sa royal physician na si Harold. Halos magdadalwang oras na ang nakalipas simula ng mawalan sa ulirat si Faneya. Nakadilat ang kaniyang mga mata at kulay puti lang ang makikita rito. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya. "Bago lang sa akin ang ganitong pangyayari. Madaming kakaibang sakit na akong nagamot pero isa lang ang sigurado ko. Wala siyang sakit. Normal ang lahat sa katawan niya. Naguguluhan din ako kung bakit hanggang ngayon ay wala parin siyang malay at kung bakit nakabukas ang kaniyang mga mata" Hindi ko maiwasan ang hindi mag-alala sa kalagayan ni Faneya. Kanina pa ako binabagabag ng aking isipan sa aking natuklasan sa kaniya. Hindi lang siya isang pangkaraniwan na nilal

