Kabanata 15 Faneya "BAKIT ka ba kasi nakasuot ng ganyan Seri? Ilang araw ng nababalot ng balabal ang iyong mukha" pangungulit na tanong sa akin ni Narnia habang kami ay naglalakad patungong silid-aklatan. Napagpasyahan namin na tumungo muna sa silid na iyon bago umuwi sa dorm tutal ay maaga pa naman. "Sinabi ko na sayo, ayokong may nakakakita sa mukha ko" sagot ko naman sa kaniya na alam kong puro kasinungalingan lamang. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya ang totoo. "Psh. Para namang hindi pa nakikita ng buong Akademia ang mukha mo. Remember nung pumasok ka? Hindi mo man sabihin sa akin ay alam kong pinagtitinginan ka ng mga estudyanteng nakakakita sayo dahil sa itsura mong weird. Maging ang kaklase ko nga ay kilala kana" pagkukwento nito sa akin. Hindi na ako umimik. Wala rin naman

