Chapter 10

794 Words
"Anak—" Hindi ko na pinatapos si mom sa dapat na sasabihin niya dahil mag-aaksaya lang siya ng laway. "Don't call me anak. You've never been a mother to me." nakangisi kong sabi. Naramdaman ko ang paghawak ni kuya sa balikat ko pero nginitian ko lang siya. 'Yong anim na bisita naman ni kuya nakikinig lang habang kumakain. "I'm sorry." malungkot na sabi niya. "Don't be sorry. Just mind your daughter." walang gana na sabi ko sa kanya. I don't want to be rude pero siya rin naman ang may dahilan kung bakit ganito ako sa kanya. "Irene," dad said in his warning tone. Bumaling ako kay Eurika na seryosong kumakain at binati siya. "By the way, welcome nga pala Ate Eurika in our family!" pag-iiba ko ng topic emphazising the word ate. "How did you know that?" nagtatakang tanong ni mom. "It is out of your business." sabi ko sabay irap sa kanya. "Thank you, my dear sister kaso masyado ng late ang pag-welcome mo sa akin. Tatlong taon na akong nakatira dito." nakangising sabi nito sa akin. Really? She's living in our house for three years and no one bothered to tell me? Kinalimutan na rin ata ako nina dad at kuya dahil sa babaeng 'to. Lahat na lang inaagaw niya sa akin. "I'm sorry to be outdated. So, I think na hindi matutuloy ang annulment na nabalitaan ko?" nakataas kilay kong tanong sa kanila. "How did you know that?" gulat na tanong sa akin ni kuya ngunit nagkibit-balikat lamang ako. "Nasa States lang ako at hindi ibig sabihin no'n hindi ko na alam ang nangyayari tungkol sa pamilya ko. Kay Eurika lang 'no!" sabi ko sabay irap kay Eurika na nginisian lang ako. "Hindi namin tinuloy kasi baka masaktan ka, ana—" hindi ko na pinatapos si mom. "Masaktan? Hindi pa ba ako nasasaktan? And as far as I know wala na naman akong pamilya. I just have kuya and dad so, ano pang pinag-aalala niyo?" hindi ko napigilang sabihin sa kanya. Napatingin naman sa akin 'yong iba naming kasamang kumain na para bang sinasabing tumigil ako sa mga kung anong pwede kong gawin. "Irene!" saway sa akin ni dad. "Why dad? Alam ko na lahat! 'Yong pagkabuntis niya kay Eurika kahit kasal kayo! Alam ko rin 'yon." napasinghap lahat ng tao sa paligid namin ng marinig 'yon. "Irene, stop!" sigaw ni dad pero hindi ako nakinig. "Why dad? Nahihiya ka na ba ngayon kasi hindi mo hiniwalayan iyang babaeng 'yan! Na ikinasal lang kayo dahil sa arrange marriage? She didn't love you kasi nga ang mahal niya iyong tatay ni Eurika!" sigaw ko sa kanya. Gusto kong ipamukha sa kanilang lahat kung anong klaseng pamilya ba ang meron ako. Napakalakas na sampal ni dad ang nagpatahimik sa buong bahay. "Jasper!" "Tito!" "Irene," "Dad!" Sabay-sabay na sigaw ng mga kasama namin sa hapag kainan. "Iyan ba ang nakuha mo sa States ha?! Ang sagutin ako ng ganyan?! Ang bastusin ang sarili mong ina?!" galit na galit na sigaw sa akin ni dad. Napangiti na lang ako ng mapakla sa sarili ko. Hindi na talaga ako si Irene. Wala na si Irene na minahal nila... "Yes, dad! Maraming nagbago sa akin no'ng tumira ako sa States. Lahat ng dating Irene kinalimutan ko na! Iniwan ko na doon lahat ng sakit! Iyong mga pasakit na dinala ko noon, 'yong mga panlolokong nalaman ko, 'yong mga kasinungalingan na akala ko ay totoo, at 'yong mga taong sinaktan lang ako!" puno ng hinanakit kong sigaw sa kanila. "Irene," lalapitan sana ako ni dad pero lumayo ako. Going home is a bad idea. A very bad idea. "S-Stop." pagpapatigil ko kay dad at bago tumakbo palabas ng bahay. Ayoko na doon. Sana hindi na lang ako bumalik kung ganto rin pala ang mangyayari. Napatigil ako sa pagtakbo ng may biglang humila sa akin mula sa muntik na pagkakabangga sa isang rumaragasang kotse. "Okay ka lang?" napatingin ako sa lalaking nakayakap sa akin ngayon. Ang lalaking pumatay sa dating Irene. "K-Kaizer?" Ano ba 'to! Iyong puso ko na aabnormal na naman! Argh. Bakit ba nagkakaganito na naman ako? "Tsk! Lampa ka pa rin hanggang ngayon." tinayo na niya ako ng ayos at ako naman ay dumistansya agad sa kanya. "Lampa talaga ako kaya nga ako nahulog sa taong hindi naman ako kayang saluhin." seryosong sabi ko habang nakatingin sa kanya. Nakita ko naman siyang umirap pero mabilis din nagbago 'yong expression ng mukha niya. "Tara na?" "Ayoko na bumalik sa amin." sabi ko bago nag-umpisang maglakad sa kung saanman ako dalhin ng mga paa ko. Ayokong makasama ng matagal si Kaizer sa iisang lugar dahil baka ikamatay ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. "Sinabi ko bang doon tayo pupunta?" tanong niya sa akin habang sinusundan ako. "Eh saan?" hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Pwede magtiwala ka na lang sa akin." "How can I trust you? Eh ikaw na mismo sumira ng tiwala ko sa'yo noon. Hindi nga lang tiwala ko ang sinira mo. Buong pagkatao ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD