Chapter 18

474 Words
Tyler's POV Nandito ako sa isang sikat na coffee shop ngayon dahil dito namin napagkasunduang magkikita ni Irene. Nasa kalagitnaan ako nang pag-inom ng inorder kong frappe ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko. From: Irene Ty, nandito na ako nasaan ka ba? "Irene!" tawag mo sa kanya kaya napalingon siya sa kinauupuan ko. "Sorry kung ngayon lang ako dumating. Kanina ka pa ba?" tanong niya agad ng makaupo siya. "Medyo. Okay lang sanay naman akong naghihintay." Napangiwi naman siya sa sinagot ko. "Tara?" pag-aaya ko sa kanya at nilahad ang kamay ko sa harapan niya. "Tara! Pero balik din tayo bago mag-six ha? May dinner kasi kami." "Sure!" nakangiting sabi ko sa kanya at hinawakan siya sa kamay. NANDITO kami sa private resort namin sa Laguna. Dito ko siya napiling dalhin dahil marami akong hindi malilimutang alaala dito kaya dapat sigurong dagdagan ko na ulit 'yon. "Tyler, ang ganda dito!" nakangiting sabi niya habang nakatingin sa mga maliliit na hampas ng alon sa dalampasigan. "Syempre naman!" Susulitin ko na 'to kasi baka ito na ang huli naming pagkikita. "Ty, magpapalit lang ako ha? Antayin mo ako dito!" masayang sabi niya kaya tinanguan ko. "Sige!" Nagtatakbo naman siya papasok ng hotel at ako naman ay umupo muna sa isang cottage. "Tyler!" sigaw ni Irene ng makalabas siya ng hotel. Lumabas na ako sa cottage at tumabi sa kanya. "Nandito ako." ngumiti naman siya sa akin ng makita niya ako. "Akala ko iniwan mo na ako." natatawang sabi niya bago naglakad papunta sa may dalampasigan. "Irene," Huli na talaga 'to. Huli na ako... "Hmm?" "Wala na talaga akong pag-asa." ** Irene's POV "Wala na talaga akong pag-asa." Hindi tanong 'yong sinabi niya. It's a statement. "Huh?" nalilitong tanong ko kahit mukhang alam ko na kung anong ibig sabihin niya. "Alam kong siya pa rin diba? Kahit isang taon na siya pa rin? Siguro para ka talaga sa kanya. Pinapalaya na kita. Kahit hindi naman tayo. Basta pagkailangan mo ko nandito lang ako ha? Ako pa rin si Tyler na bestfriend mo kaso," nakangiting sabi nito sa akin ngunit halata sa mga mata niya ang labis na sakit. Ganoon na ba ako kamanhid para hindi ma-appreciate lahat ng ginagawa ni Tyler para sa akin? Ganoon na ba ako katanga para hindi ko mapansin 'yong mga taong nagmamahal sa akin? "Kaso?" nahihirapang tanong ko sa kanya. "Aalis ako eh." dagdag niya sa sinabi niya habang nakatingin sa malayo. "B-Bakit? Dahil ba sa akin?" malungkot at kinakabahang tanong ko sa kanya. "Kailangan ko 'tong gawin para naman makamove-on ako. Pwede ba 'yon, makikita kitang masaya tapos ako heartbroken? Di naman ata tama 'yon!" tumatawang sabi niya sa akin. Bakit kahit nasasaktan na siya nagagawa niya pa ring ngumiti? "Tyler, I'm sorry! Sorry talaga. Pinilit ko naman eh kaso siya talaga." umiiyak na sabi ko sa kanya bago siya niyakap. "Naiintindihan ko. 'Wag ka na ngang umiyak kaya kita dinala dito para magbonding tayo hindi para magdrama." nakangiting sabi nito sa akin at hinalikan ako sa noo. "Ikaw pa rin talaga si Tyler na laging masaya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD