Chapter 16

962 Words
Irene's POV Nandito ako ngayon sa kwarto ko at parang nanlalantang gulay na nakahiga. Ang sakit kasi ng katawan ko. Daig ko pa nakipag-away sa sumo wrestler. "Irene?" "What do you want? Round two?" I smirked. Nagulat ako ng nagbaba ito ng tingin mula sa akin. "I just want to apologize." mahinang sabi nito sa akin. "Naalog ba ang utak mo kanina, Eurika?" nang-uuyam na tanong ko sa kanya. "No. I just realized everything." nakatungong sagot niya sa akin. "Really? O takot ka lang mapalayas?" nakangising tanong ko. "S-Sorry. Ngayon naiintindihan ko na ang lahat na hindi na ako mahal ni Kaizer. Irene, mahal ka niya. Mahal na mahal please give him another chance." umiiyak na sabi niya habang nakaluhod sa harapan ko. Pinatayo ko naman siya at diretsong tumingin sa mga mata niya. "Hindi naman ako nagtanim ng galit sa'yo, Eurika. Pero alam mo 'yomg masakit. Iyong siya na mismo 'yong nagpalaya sa akin." umiiyak na sabi ko sa kanya ng makatayo siya sa harap ko. "Sorry, sorry talaga." paulit-ulit na paghingi niya ng tawad. Pinunasan ko ang luha sa mukha niya at niyakap siya. Hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob sa isang tao. Iyon kasi ang tunay na Irene. Marunong magpatawad pero hindi ko nagawa sa taong mahal ko. "Ate," humihikbi kong sabi habang yakap siya. "Pakiramdam ko pinapatay na naman sa pangalawang pagkakataon." "Mahal ka ni Kaizer kaya niya ginawa 'yon. Alam kong kayo ang para sa isa't-isa kaya dont worry babalik din siya sayo. I'm really really sorry for everything." marahang sabi nito habang yakap ako ng mahigpit. I can't say anything. Feeling ko nabawasan kahit paano 'yong sakit na matagal kong dinadala. Ayos na kami ni Eurika. Ayos na kami ng ate ko. "Iwan na muna kita, Irene. You need to rest. Sorry ulit." Lumabas na siya ng kwarto ko at bigla namang pumasok si mommy. "Anak," Hindi ako kumibo at nanatiling nakaupo sa kama ko. I hate her. But I can't stay being mad at her because I love her and I missed her so much. "Mommy," tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit. Tatlong taon na simula noong huling beses niya akong niyakap. Ang saya, ang sarap sa pakiramdam na mayakap ulit ng isang ina. "Mommy, i'm so sorry. Sa mga sinabi ko pong hindi maganda sa mga ginagawa ko. I'm sorry nasaktan po kasi ako noon hindi ko po sinasadya." humihikbing sabi ko kay mom habang nakayakap sa kanya. Hindi ko na rin natapos 'yong sinasabi ko kasi hindi ko na talaga kaya. Gusto ko lang ngayon ay umiyak ng umiyak kay mom. "Shhh... Hush now. Mommy is here. Ako dapat ang nag-sosorry sa'yo, anak. Sorry kasi hindi kita nadamayan noong mga panahong kailangan mo ng isang ina sorry kasi wala ako sa tabi mo. Anak, patawarin mo ako. Mahal ko talaga ang daddy mo. Mahal na mahal. 'Yung nangyari sa amin ng papa ni Eurika ay isang pagkakamali. Sorry anak." I wiped all the tears running on my mom's face. "Mommy, gusto ko galit sa'yo. But I can't kasi mahal na mahal din kita." I showed her my sweetest smile. "Mahal din kita, anak!" nakangiting sabi nito sa akin bago hinalikan ang noo ko. "Dad, bakit ganon? Pag may nagyayakapan laging hindi ako kasama? Ampon ba ako?" napatingin kami ni mom sa pinanggalingan ng nagsalita at nakita namin si dad at kuya sa may gilid ng pintuan. "Sain, bakit ang drama mo? Kanina ka pa eh. Niyakap na nga kita ayaw mo pa?" nakakunot noong sabi ni dad kay kuya. Ang cute nila ni dad mag-usap. "Dad, iba 'yong iyo. Iba din ang kay mom! Nakakawala kayo ng swaeg eh!" nakangusong sabi ni kuya sabay nagpapadyak. Childish Sain is here again. "Haynako! Lumapit ka na lang dito, Sain." sabi sa kanya ni mom. Napatingin naman siya sa amin at ngumiti ng malaki. "Talaga mom? Buti pa si mom!" masayang sabi ni kuya sabay takbo sa amin. "Dad, halika na rin. Group hug tayo!" tawag ko kay dad na nakatayo pa rin sa may pintuan. "Nag-group hug na tayo kanina." walang emosyon na sagot sa akin ni dad. "Kunwari ka pa, dad eh. Palibhasa kinikilig ka lang dahil sa narinig mong sinabi ni mom na mahal ka niya!" sabi ni kuya habang tumatawa. Napatawa rin naman ako sa sinabi niya. Napakapabebe rin minsan nitong si dad eh. "Tigilan mo ako, Ivan!" saway ni dad kay kuya. "Si dad namumula!" tumawatawang sabi ko. "Ah ganon?" nakangising sabi ni dad habang tumatango-tango. Bigla naman siyang lumapit sa akin kaya napasiksik ako kay mom. Patay! Alam ko na kasunod nito. "Dad, ayoko na. Mommy, help!" tumatawang sigaw ko. Hindi na ako makahinga sa kakatawa dahil sa pangingiliti sa akin ni dad. "Anong help ha? Mang-aasar ka pa?" natatawang tanong nito sa akin. "'Di na po." sagot ko sa kanya kaya tinigilan na niya ako. Mabilis ko namang hinabol ang aking hininga dahil sa kakatawa. "Tama na 'yan. Pinapawisan na si Irene!" saway sa amin ni mom. "Ang init naman dito!" sigaw ni kuya. "Hot kasi ako!" sabi ko sa kanya ng maka-recover ako sa pangingiliti sa akin ni dad. "Bakit nilalagnat ka ba?" nagtatakang-tanong niya. Hinataw ko nga siya sa braso. Panira na lang lagi eh. "Oh, bakit?" "Bakit ka ba kasi nandito? Mukha kang gilagid!" mataray na sabi ko sa kanya. "Ano? Edi mukha ka ding gilagid kamukha raw kita eh!" nakangising sabi nito sa akin. "Yuck. Asa, men! Mandiri ka nga." sigaw ko sa kanya sabay irap. "Diba, mom! Kamukha ko si Irene?" tanong niya sabay baling kay mom. Aba! Dinamay pa si mom ah. "Oo. Magkamukha kayo!" nakangiting sagot sa kanya ni mom. "What?! Hindi kaya!" sigaw ko habang nagpapapadyak. Hindi naman kasi talaga eh! "Sabi sa'yo eh. Mukha ka ding gilagid!" tumatawang asar pa sa akin ni kuya. "Mas mukha kang gilagid. Nauna kang ilabas eh. Bleh!" sabi ko sa kanya bago siya binelatan. Kahit papaano nabawasan 'yong lungkot na nararamdaman ko. Okay na kami ni Eurika. Masaya na ulit ang pamilya ko. Isang bagay na lang ang gusto kong maayos... Kami ni Kaizer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD