Malalim na ang gabi nang umuwi na ang lahat. Nakasakay na ako ngayon sas sasakyan ni Kenzo para ihatid ako sa apartment. Pero habang nasa daan kami, parang hindi kami pabalik sa luma kong apartment. Pumasok kami sa isang basement parking ng isang mataas na building. Nagtataka akong tumingin sa kanya nang bumaba kami. Wala akong sinabi sa kanya and I was waiting for him to talk. Tumigil kami sa 7th floor at lumakad kami papunta sa isang unit na nasa dulo. Binuksan niya iyto at pinauna niya akong pumasok. Namangha ako sa ganda ng unit at may second floor pa ito at sariling balcony. The lights turned on at lumakad ako palapit sa floor the ceiling glass wall na katapat ng living room. Nakita ko mula sa salamin ang paglapit rin ni Kenzo at iniyakap niya ang kanyang mga kamay sa aking bewang.

