Napasilip ako sa isang sulok kung saan dumaan ang grupo ni Harriet nang bigla silang dumating dito sa ospital. Nasa isang private room pa rin si Sheridan at nang magising siya a few days ago, wala siyang imik at walang ibang ginawa kundi ang umiyak. I am not worried kahit bisitahin pa siya ng kanyang mga kabigan dahil I made sure na wala itong babanggitin tungkol sa akin at sa mga ginawa sa kanya. Lagi ko rin siyang pinupuntahan para bigyan ng kanyang gamot which makes her mind and body go crazy! Napataas ang isa kong kilay na magkasama pa rin ang aking ex-fiance at si Whitney na magkahawak kamay. I was expecting na maghihiwalay sila dahil na rin wala silang nakuhang pera mula sa akin. Mukhang matibay din naman ang dalawang yan at napangisi si ako sa susunod kong gagawin sa kanila. Bigla

