Muntik ng maibato ni Whitney ang kanyang phone nang makita kung anongnangyari sa charity ball na dinaluhan ng kanyang ama. It was early in the morning here in Paris at naghahanda na siya ngayon sa isang fashion show para sa isang sikat na brand. Gusto niyang magmura ng mga oras na ‘yon habang inaayos ang kanyang buhok. Gusto niyang bumalik para sugurin si Odessa at pukpukin ang ulo nito ng ilang beses dahil palpak nitong plano. Tinulungan na nga niya ito para sumunod rito angkanyang ama. Pero dahil sa pagka-bobita nito, alam na ng lahat na nagsisinungaling lang ito. Ano ba naman kasi ang naisip ng babaeng ‘yon ang mga detalyeng ‘yon sa kaibigan nito. Tuwang-tuwa pa talaga siya gayong may ibang tao pala sa restroom at nakuhanan ito ng video. Malakas akong huminga ng malalim at pinanggigil

