Napatingin ako sa aking phone nang mag-vibrate na naman ito at nakita kong tumatawag ulit si Whitney. Hindi ko ito pinanasin dahil may ginagawa ako ngayon. Kararating lang ng bagong caregiver namin dito sa bahay at sinabi ko na sa kanya ang lahat ng rules. Matapos ko siyang ipakilala sa aking ina at sa mga katulong rito, naglalakad na kami sa hallway papunta sa kwarto ng aking ama. Dahil hindi na siya makalakad ng mabuti at naka-wheelchair na lang, minabuti namin na mag-stay na lang siya dito sa first floor para wala ng mahirapan pa. Tumigil kami sa harap ng isang double doors, gamit ang isang susi, binuksan ko ito. Nauna akong pumasok at sumunod naman si Ena, ang bagong caregiver, sa akin. Nadatnan ko ang butihin kong ama na nakaharap sa glass sliding door kung saan sa labas ay nakikita

