Muntik ko ng basagin ang salamin na nasa aking harapan pero napigilan ko ang aking sarili. Binagsak ko ang aking kamay sa dresser at marahas kong tinanggal ang aking headpiece na nasa aking ulo. We were taking a break for the photoshoot at agad akong pumasok rito para lang lumayo sa mga mata na nandito ngayon. Kanina ko pa pinipigilan ang inis ko para hindi ko masaktan ang Revy na ‘yon. Ako dapat ang bida rito! Pero siya ang napapansin. Mga bulag ba sila?! I am the best model for this shoot, but my agency betrayed me at kinuha pa nila talaga ang babaeng kinaiinisan ko sa lahat! That damn photographer! Hindi yata alam kung anong maganda at hindi! I was slaying out here at ako pa ang pinagsasabihan nito. Bwisit! I woulkd be working better kung wala ang epal na ‘yon! I want her to break! I

