Iwas na iwas na sa akin ang mga maids simula ng pagbantaan ko ang dalawa sa kanila. Pero hindi ako tumigil roon dahil kinausap ko na rin ang iba pa. Tinakot ko sila na pag nagsumbong sila kay Sheridan at mawalan ako ng trabaho, hindi ako titigil hangga’t hindi ako gaganti sa kanila. Isa pa, mawawalan sila ng trabaho sa oras na gumaling ang kanilang amo na si Sir Yorick. Hinayaan na nila ako sa gusto kong gawin at hindi na rin sila sumusubok na mag-spy. Masyado namang busy si Sheridan para tingnan ang kanyang ama. Madalang lang itong umuuwi sa mansion at ang chika ng isang katulong sa akin ay may sarili daw silang condo unit ng boyfriend nito. Well, it is an advantage for me para maka-recover na ng husto ang kanyang ama. He’s still thin, pero nagkakaroon na ng buhay ang kanyang mga mata.

