“Yorick! I’m home!” sigaw ko nang makarating ako sa mansion. Kasama ko si Laziel na siya ang naghatid sa akin rito. I had to change my face bago ako umalis ng condo building para walang makakilala kay Revy na isang model at baka may makakita pa sa kanya at agawan pa ng kwento. Gaya nga ng sabi ko, matagal na akong hindi nakakapunta rito. I don't even know the last time I was here dahil sobrang busy ko talaga sa aking ginagawa. Nagiging cautious din ako sa pagtawag sa kanya at baka magduda sa akin si Kenzo. Now, I am here para malaman ang ugnayan nilang tatlong lalake. I thought they were not close enough as friends, but I thought wrong. Besides, siya ang nagbigay sa akin ng information about sa ama ni Whitney. I was surprised nang makita ko silang magkasama ni Magnuz. Mabuti na lang at h

