Chapter 4

1151 Words
KINA UMAGAHAN, nagising na lamang si Jessie sa isang hindi pamilyar na silid. habang naka higa ay nilibot nang tingin niya ang kuwarto na iyon. Napa kunot noo siya at inalala niya kung paano sya napunta doon. Wala siyang ibang maalala kundi ang nangyare sa kaniya sa tabing dagat. uminit ang gilid nang mga mata niya at muli na naman iyon lumuha. Pakiramdam niya ay magang maga na ang mga mata niya. dahil napapaka bigat niyon at sobrang sakit rin nang ulo niya. Sinubukan niyang bumangan, ngunit napa daing na lamang siya dahil sa sobrang sakit nang buong katawan niya. lalo na ang pagka babae niya.. animoy para syang binugbog at ginulpi nang maraming tao. dahil kahit saang parte nang katawan niya na gusto niyang igalaw ay napaka sakit niyon. kaya naman mas lalo syang napa luha. "Ahhhhhh! mga hayop! hayop…hayop!" umiiyak niyang sigaw. kahit sobrang paos siya ay pilit parin syang nag susumigaw. Umiigting ang panga niya habang naka kuyom ang mga kamao niya. Punong puno nang galit ang puso at mga mata niya habang patulay sa pag luha ang mga iyon. Bumukas ang pinto ang pumasok ang isang may katandaang babae. naka suot ito nang pang katulong at may hawak pa itong walis at daspan. "jusmiyo! salamat naman nagising kana iha" ani nang babae. "sino ka?!" galit na boses na ani ni Jessie habang matalim ang kaniyang tingin dito. Halata namang nagulat ang babae at napa singhap pa ito. "ako ang katiwala dito sa resort iha. Dalawang beses lang ako nag pupunta dito para mag linis iha. Nakita kita dun sa tabing dagat. Wala kang malay at wala kang saplot. Dalawang araw kanang nandito iha." mahabang sagot nito. Dalawang araw na pala siyang nandoon, ngunit ang isipan niya ay parang kahapon lang iyong nangyare sa kaniya Kahit sobrang sakit nang katawan niya ay pinilit niyang bumangon. Napansin niyang naka soot sya ng bestida na kulay puti. Kaya naman nag taka sya. "ah, pasensya kana iha..Wala kasing ibang damit dito .Kaya yung damit nalang ng Anak kong dalaga ang pina suot ko sayO" ani nang babae. Nang mapansin siguro nito ang pag tataka niya habang naka tingin sya sa soot niya. Walang salitang lumabas sa bibig niya. napapangiwi na lamang sya habang bumabangon. Gusto syang tulungan nang babae. Ngunit tumanggi sya sa paraan ng pag iling. Samantala nag aalala naman ang mag asawang Jego at Jessa Sandoval. Dahil dalawang araw nang hindi pa umuuwi ang anak nilang babae. "Dad, nag tanong ako sa mga kaklase ni Ate Jessie na naka sama niya sa party. ang sabi nila nauna pa'raw umuwi si Jessie." ani nang pangalawang anak nilang lalaki na nag nga-ngalang Jello "Hindi puwedeng kumalat ang balitang nawawala si Jessie baka maka tunog ang ibang kalaban." mahinang sabi ni Jego "Paano kung, hawak nang mga kalaban natin si Jessie.. Jusko! huwag naman sana" nag aalalang sabi ni Jessa "Dad, Mom two days nang hindi pa nakakauwi si Ate Jessie.. Bakit hindi tayo mag patulong kina Tito at sa mga friends niyo Dad." ani naman ni Jerremi ang pang anim na anak nang mag-asawang Sandoval napaisip naman si Jego kung sasabihin paba niya sa mga kaibigan ang tungkol sa pagka wala nang anak niya. Gayung alam niyang may kinakaharap ring problema ang mga itO "kailangan na natin sabihin sa kanila, at kailangan na natin kumilos. Habang tumatagal mas lalo akong nag aalala na baka kung napaano na ang anak natin." ani ni Jessa sa asawa. Akmang tatawagan na sana ni Jessa si Vanessa. ngunit hindi natuloy nang bumukas ang pinto. At niluwa niyon sina Diana at Jessie. Sa pagkaka taon na iyon ay tuluyan nang napa luha si Jessa. Dalawang araw syang nag aalala sa anak niyang babae. ngunit pinipigilan lamang niyang huwag maluha. Ayaw niyang umiyak at ayaw niyang mag isip nang masama para sa anak niya. at isa pa'y tiwala syang kaya nitong ipag tanggol ang sarili .Dahil marunong maki pag laban ang anak niya at halos lahat ng alam nila nang kaibigan niyang si Pinky ay itinuro nila dito. "Jessie! oh my god…saan kaba nang galing…Jessie!" Ani ni Jessa at nanalaki ang mga mata nito nang makitang mahimatay ang anak anak niya. Mabilis naman binuhat ni Jego ang nag-iisang anak na babae. At dinala ito sa kuwarto nito. pag lapag palamang nito sa kama ay muling nag mulat nang mata si Jessie at pilit na ngumiti sa mga magulang at sa mga kapatid. "da-dad…ma-mommy…B-brothers don't worry guys....pagod lang po ako…a-im okey po. gu-gusto kulang po mag pahinga." paos na sabi ni Jessie at pinilit na ngumiti "are you sure Princess?" ani ni Jego sa anak.. At malakas ang kutob nilang mag-asawa na merong hindi magandang nang-yare sa anak nilang babae. Dahil namumutla ito at namamaga ang mga mata nito na animoy galing ito sa matinding pag-iyak. "Yes Dad, sorry kung pinag alala kopo kayo." mahinang sabi nang dalaga. "sige anak...Mag uusap tayo ha pagka gising mo. mag pahinga ka muna at ipapahatid ko lang ang pagkain mo dito sa kuwarto mo." ani ni Jessa at hinagkan sa noo ang anak . "okey Mom." "I love you anak" "i love you too po, daddy…mommy" "HINDI KO KAYANG MAG SINUNGALING kina Mom and Dad… at dapat lang na malaman nila ang nangyare sayo, para managot ang tatlong gumahasa sayo At lahat nang sangkot sa ginawa nang tatlo sayo." ani ni Diana. Ang panganay nina Jego at Jessa. Ito na ang itinuring na panganay na anak, dahil sa pag ampon nang mag-asawang Jeggo at Jessa. Ngunit nag sarili lamang ito nang bahay at negosyo nang magka isip ito. "saakin sila may kasalanan, kaya saakin sila mananagot.. Gagantihan ko sila...Ipapatikim ko sa kanila ang sakit at hirap na pinaranas nila saakin...at huwag na huwag kang mag kakamaling mag salita kina Mom and Dad. Dahil baka maka limutan ko kung sino ka." walang emosyon na sabi ni Jessie.. Punong puno nang galit ang mga mata nito at nag iigting ang panga nito sa galit.. ang ate Diana niya ang una niyang tinawagan. kaya pinuntahan sya nito sa lugar kung saan sya dinala nang mga taong bumaboy sa pagka tao niya. Sinabi niya ang lahat dito. At nakiusap syang huwag sasabihin sa mga magulang nila. ayaw niyang mag bigay nang problema at ayaw niyang mag alala ang mga ito. Kanina lamang nang kausapin sya nang Mommy niya at tanungin sya nito ay gumawa na lamang sya ng dahilan upang matapos na ito sa kakatanong sa kaniya. Ngunit ang hindi niya alam ay nababasa ng Mommy Jessa niya na nag sisinungaling sya "Okay okay, fine ... Hindi ko sasabihin sa kanila. pero nag aalala ako sayo Jessie.." "hindi lang ako naka laban nung gabing iyon..Dahil meron silang nilagay sa inumin ko. Kaya nang hina ako. Pero ngayon maka bawi lang ako nang lakas. Hinding hindi ko sila papatawarin at iisa-isahin ko silang pahihirapan at papatayin sa mga kamay ko" tiim bagang saad ni Jessie //Continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD