"Mama! Ang galing-galing pala maglaro ni Papa ng basketball?? Grabe! Tinatalo nga niya ako, eh." Kinuha ko ang towel mula sa bag ko at saka pinunasan ng pawis ang anak ko. "Eh syempre, basketball player kaya ako dati." Sabi ni Blake na nakaupo na pala sa tabi ko. "Gusto ko din na maging basketball player." Sabi ni Aivan, "Kaya magta-try out na ako bukas!" "Unahin mo muna pag-aaral mo, Aivan." Sabi ko sa kanya. "Eh mama?? Nag-aaral naman po ako, eh. At saka kapag varsity ako sa school may dagdag grades po iyon!" Sabi ni Aivan. Alam ko ang ugali ni Aivan. Ipipilit n'ya ang mga bagay na gusto niyang marating. Ganyan ang ugali niya, eh. Katulad na katulad ng kay Blake. "Uuwi na ba kayo pagkatapos nito?" Tanong ni Blake sa amin. Tumango ako, "May pasok pa si Aivan bukas, tapos may duty

