Nakatulala lamang ako habang nagkukwento si Ivy tungkol sa nangyari kagabi. Hindi naman sa wala talaga akong matandaan. Klaro sa utak ko ang nangyari kagabi. “Tapos Miss, ayaw niyo siyang bitawan. Paulit-ulit kang nagmamakaawa na tanggapin siya ulit.” Sinalinan niya ako ng kape sa tasa ko. Nahilamos ko ang kamay ko sa mukha dahil sa sobrang kahihiyan. Masama kong tinignan si Ivy na umiwas ng tingin at nagmaang-maangan. “Where did you go? Hinahanap kita but you are nowhere to be found!” “Eh, Miss, nag-cr lang ako dahil nabusog ako sa juice na iniinom ko. Nakita ko kayo ni Mister Arellano kaya hindi na ako lumapit. Kunwari nauna na ako sa hotel natin.” Natigilan ako dahil mukhang tama rin pala ang ginawa niya. Pero hindi pa rin mababago na sobrang nakakahiya ang ginawa ko! “Akala

